Chapter 3: Kieffer's Confusion

607 17 2
                                    

Not A Dude

Amber's POV

Room 259

It's been a week since that 'girlfriend' thing happened. Mabuti naman at hindi na issue sa mga so called 'kabarkada' ko yun. Kaasar lang, pati lovelife ko papakielaman?

Hindi sa sinasabi kong lovelife ko si Raven! Eww. Yakk.

Saturday ngayon, walang pasok kaya hayahay ang buhay ^__^ pumunta ako sa kitchen ng room at nakita ko si Kieffer na kumakain ng cereal. Lokong 'to di man lang mamigay, tss.

"Good Morning, Kiefs." bati ko at nagulat siya

Mukha ba akong zombie tuwing umaga? =__=

"A-Amber. Hi." tipid na sabi niya at kinuha yung cereal na kinakain niya at umupo doon sa may sala at binuksan yung TV

Isang linggo na siyang ganyan. Lalapit ako tapos lalayo siya. May ketong lang? Tsaka pag kakausapin ko siya, laging magugulat na kung ano. Kala mong nakakakita ng multo eh.

Kumuha ako ng tinapay at naglakad papunta kay Kieffer. Sawang sawa na ako sa kadramahan niya. This is the moment of truth.

Uupo na sana ako sa tabi niya ng biglang...

"AMBER-SHII!! GOOD MORNING!"

=____=++

"Umagang umaga, Liam! Hindi ka na ba nakuntento na weekdays na sinisira mo yung umaga ko? Pati weekends?" inis na sabi ko sa kanya

Araw-araw mambubulabog si Liam at sisisgaw ng good morning routine niya na nakakainis. Nasisira ang umaga ko kapag nakikita ko siya.

Tumawa lang siya at dire-direchong umupo doon sa sofa at tinabihan si Kieffer.

AKO NGA DAPAT ANG TATABI SA BAKLANG YAN EH. AISH.

"Good Morning, Kiefs!" bati ni Liam

"Morning." walang ganang bati ni Kieffer at nilipat yung channel at Pokemon yung nag-appear sa TV. Seriously, Pokemon? Minsan sobrang isip bata din nitong lalaking to eh.

"WAAAAAHH! POKEMON! I CHOOSE YOU! KIEFFER WAG MO LIPAT, PLEASE?!"

=___=

Sabi ko nga, isip bata. "Liam, manahimik ka diyan kung ayaw mong ipasok kita sa loob ng TV!" naiiritang sabi ni Kieffer, sino ba naman kasi hindi maiinis sa sobrang pa-bebe at childish na attitude ni Liam?

"Fine! Sa room ko na nga lang ako manonood! Sungit mo!" nagtatampong sabi ni Liam at nagmamadaling lumabas

Agad ko namang tinabihan si Kieffer at nagulat siya, aakmang aalis siya pero hinila ko siya sa braso pabalik para makaupo siya. Wala siyang kawala sakin ngayon

"Linchak. Hoy Kieffer, tapatin mo nga ako. Bakit mo ba ako iniiwasan, ha?" tanong ko sa kanya "H-Ha? Anong iniiwasan? H-Hindi kaya!" sabi niya at aalis na naman pero napigilan ko ulit

"Tigilan mo ko sa kabadingan mo. Yung totoo?" dinirecho ko siya ng tingin "I-I'm confused." nahihiyang sabi niya at napakunot naman ako ng noo

Confused? Pinuputok ng buchi nitong baklitang toh?

"Ha? Di ko gets. Pakiexplain." sabi ko pero nagulat ako ng biglang tinanggal niya yung kapit ko sa braso niya "Kahit ako. Hindi ko kaya. Hindi ko din ma-gets." sabi niya

Putek. Gulong-gulo na ako ha!

"Yung totoo, Kiefs? Ie-explain mo or babangasan kita?" pananakot ko pero tumayo siya at tinignan niya ako ng direcho

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon