CHAPTER 23: REVELATION
Sa mga araw na dumaan saka lang na-realize ni Judith ang lahat, akala nya mawawala na ang taong naging malapit sa kanya. Pinayuhan pa nga sya ni Gaea, si Gaea na tinuring nyang kaagaw simula nung sumulpot ito sa buhay nilang magkakaibigan.
"Gusto ko talaga si Francis, in the first place. Pero nung nalaman kong hindi pala sya ang batang pinagkakautangan ko ng buhay ko, biglang nawala ang emosyong yun. It really means that what I felt is not love nor intuition or affection. I promise to myself that I will find my savior at sya ang pakakasalan ko. Pinangako ko rin yan dati sa Yaya ko."
"Yaya?" Nagtaka si Judith dahil sa dinamidaming tao bakit sa Yaya pa instead na sa tunay na ina? Dahil sila na man talaga ang karamay natin sa lahat ng oras. Sila na kahit kailan di tayo pinabayaan o iniwan, kaya yan ang gumugulo sa isipan ni Judith na hinihintay nya nang kasagutan.
"Oo. Nang mamatay kasi ang Mommy ko, sya na ang tumayong ina para saking kaya lang nang makagraduate ako sa Elementary, namatay din sya. My Yaya said wag ko daw syang tularan. She left her son and husband because of misunderstanding at pinangibabawan daw sya ng galit sa halip na pagmamahal. Pagnatagpuan ko raw sila,ihingi ko raw sya ng tawad. And I guess I found him." Him? Lalong naguluhan si Judith. Sino naman kaya ang taong tinutukoy ni Gaea. Hindi naman siguro masasabing nagsisiungaling lang ito dahil nakatitig naman ito sa mga mata nya.
"Sino?" dahil kahit anong isip ni Gaea, di nya talaga mahulaan kung sino, not unless Gaea will tell it.
"Si Jed."
*******
Kanina pa pala nasa Garden si Jed at narinig ang pinag uusapan nina Gaea at Judith kaya di maiwasan nitong sumulpot sa harapan nila lalo pa ang pinag uusapan ay mga taong may kinalaman sa buhay ni Jed Arvin.
"You know my Mom?" bIglang tanong nya na nakatingin kay Gaea, halos mapatalon naman ang dalawa pagkakita sa kanya na bigla na lang sumulpot sa kung saan at walang pasubaling nagtanong.
"Yes, I knew everything about her." prenteng sagot ni Gaea na walang kamalay malay sa nararamdaman ni Jed at sa mga sakit at mga pinagdaanan nito.
"Judith, pwede mo ba kaming iwan?"Napatingin si Judith kay Jed, bakas sa mukha nito ang pakiusap. Sino ba sya para ipagkait ang katotohanan? Gusto rin naman nya makawala na si Jed sa kinikimkim na galit nito sa ina at syempre sa mga babae na rin nakabaro nya. Kaya iniwanan na muna nya sina Jed at Gaea na makapag usap ng masinsinan.
"O sige." Saka pa sya ngumiti at nagdarasal na sana, malinawan na si Jed at para makamove on na rin ito. Gusto man nya makinig alam nyang kabastusan naman yun dahil personal ang pag uusapan ng mga ito at alam nyang wala syang kinalam roon.
Nang makaalis si Judith saka nagsimulang magkwento si Gaea.
"Nang tanggapin sya ng Dad ko hindi namin alam na may sakit sya. Na halos dalalawang taon nya ininda ang sakit. She suffers from Leukemia." Tuloy na tuloy na kwento ni Judith habang binabasa ang expression ng mukha ni Jed.
"Bakit di namin alam?" Tanong ni Jed. Dahil noon pa man, di nya ito alam magin ang Daddy nya na wala ng ginawa kundi ang sumbatan ang Mommy nya sa tuwing nakakaiino ito, and that was the start he build a wrath with girls or woman.
"Sabi nya, ayaw nyang masaktan kayo, kaya mas mabuti pa raw isipin nyong iniwan kayo ni Tita Melissa. Ayaw nyang malaman nyong may malubha syang sakit" Siguro marahil ayaw rin ng ina ni Jed na maghirap ito sa pag-aalaga sa kanya, ayaw nitong maging pasanin nilang mag-ama. Nahihirapan man si Jed pero naiintindihan na nya ang lahat. "During her days, inihabilin nya pagnahanap daw kita, ibigay ko daw saiyo ito."
Gaea's hands went on her own nape saka may kinalas. Kinalas nya ang suot na kwintas.
"I wear that para di mawala. Alam mo na raw ang gagawin sa kwintas na y--" ganun na lang ang pagkabigla ni Gaea nang bigla syang hapitin nito at yakapin. "Jed, are you okay?" alam na kasi nyang kahit lalaki ito, siguradong nasasaktan din ito at tinatago na lang sa pagyakap sa kanya na para bang sya ang nanay nito na matagal na nitong hindi nakapiling.
Kakalas na sana si Gaea nang pigilan sya ni Jed. "Let it be. Hayan mo muna ako kahit... limang minuto lang."
BINABASA MO ANG
Dilapidated Heart by:LS
Fiksi RemajaDILAPIDATED HEART ..Paano kung nasa isip mo, lahat ng babae na naging parte ng buhay mo ay mga manloloko, tapos eto na mang si tadhana pinakilala sayo ang taong may galit naman sa mga lalaki..Magkasundo pa kaya ang mga puso nila?