*************
Nagigitara si Pipper na di inaalintana na tinitigan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagsa strum at sinasabayan ng kantang The Hanging Tree na orihinal na kinanta ni Lorde.
"Are you Are you ,coming to the tree ,But they strung up a man.
They say murdered three. Strange things have happened here ,no stranger would it be.
Di makakailang maganda ang boses niya. Araw-araw siyang tumatambay sa liblib na parte ng garden ng eskwelahan. Pero may iilang estudyante ang napapapunta doon at napapadaan para makinig sa kanya. At sa mga oras na katulad nito ay naabutan nila ang mini concert na ginagawa ni Pipper tuwing umaga.
Are you Are you ,coming to the tree. Where necklace of rope side by side with me.
Strange things have happened here no strangers would it be.
Halos dalawang taon na din ng unang mapadpad siya sa lugar na iyon.
Nasasaktan siya. Naiinis siya sa sarili pero wala siyang magawa. Gusto niyang iligtas ito pero wala ,ang tanging naitulong niya lang ay tingnan na nakalumpasay ang taong pinahahalagahan niya. Nasasaktan siya ng sobra. Yan ang saloobin niya. Ni Pipper . Ng isang rebelde sa pagkakakilala ng ibang tao sa kanya.
Wala silang alam. Puot at hinanakit ang bumabalot sa isang tulad niyang pinaikot at ginago.
Walang silang alam sa buhay ko. Sa mga pinagdaanan ko. Sigaw niya sa isipan.
Unti-unting bumubuo ang luha na matagal niya ng pinipigil. Ang mga luhang di dapat makita ng ibang tao. Kilala siya sa pagiging malakas at matapang. Tumingala siya habang may diing kinakanta ang huling mga linya ng kantang napili niya ngayong araw.
Are you Are you ,coming to the tree. Where I told you to run so it both be free.
Strange things that happened here no stranger would it be.
If we met at midnight in the hanging tree..."
___________________
Eula's POV
"Haayyy!" malakas na pakawala nitong si Violet.
Ang aga-aga niya akong binulabog sa bahay at pagdating dito sa school e hinila agad ako sa kung hindi ako nagkakamali ay ang garden ng Spring University kung saan ako nag-aaral ngayon. Isa akong transfer student at 100% estranger sa lugar na ito.
Naabutan namin ang isang babaeng kumakanta na nakatalikod sa amin. Ako at iilang mga estudyante.
Ang lungkot lungkot ng tinig niya. Oo maganda ang boses niya. Napaka smooth. Kung hindi ito babae ay nainlove na ako.
Tapos na ang babae sa pagkanta pero andito pa rin ang mga estudyanteng nakaabang tulad namin ni Vio. Ewan ko ba kung bakit ganito to dito. Sikat ba siya?
"Sino ba siya?" tanong ko sa kaibigan kong nakatulala pa rin. Hindi kaya may lahing illuminati tong babae tas hinihipnotize ang mga nakikinig sa kanya?
"Ano ka ba! Siya si Pipper .. ang pinagkalooban ng angelic voice .. hihihi!" sabi niyang nakadaop ang palad at nakatingin sa babaeng tinawag niyang Pipper habang nakatingin dito na parang inlove na inlove.
"Alis na tayo Vio ,may pasok pa tayo ho.." suway ko sa kanya.
"Wag ka nga Euls! maya-maya!" sabay wisik wisik niya ng kanang kamay na parang tumataboy ng bangaw.
Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.
Ano ba meron sa babaeng nakatalikod na to. Oo maganda nga ang boses niya pero baka naman Chaka to kasi nakatalikod naman. Ang lapad lapad ng balikat tas mukha pang tibo-- teka?