***************
Eula's POV
Tulala akong nakatitig sa kisame dito sa loob ng kwarto ko sa dorm.
Isang linggo na ako dito sa SU pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikilala ang roommate ko.
"Asan kaya siya?"
"Natutulog ba yun?"
" Bwahahaha! isang linggo ba siyang hindi naligo? putrages! ahaha!"
"Ang baliw mo talaga"
" ... hayy.."
Namilog ang mata ko sa naisip. Hindi kaya may lahing Cullen yun at nakipagkita kay Edward?
Napaismid ako. "Di naman siguro.."
Isang linggo na ako dito pero hindi ako gaanong lumalabas kasi excited akong makita ang roommate ko pero may lahi yatang bampira.
Kapag gabi kasi madaling araw na ko natutulog para hintayin siya at magkachikahan man lang kami.
At tuwing kaumagahan naman may naririnig akong kalabog sa sala at kusina na parang may tao pero hindi ko magawang bumangon dahil puyat naman sa kakahintay.
Ngayon naman maaga akong natulog pero hindi parin kami nagkasalubong. Mantakin mo naman. Sarili ko lang ang kausap ko mula araw hanggang gabi. Nakakapagod din kaya.
Tutal mamayang hapon pa ang klase ko.
Pinikit ko na lang ang twinkling eyes ko at natulog nalang ulit.
_________________
Pipper's POV
Padabog kong sinara ang pinto.
Nakakabanas talaga ang matandang huklubin na yon. Mula pagkabata siya palaging nagdedesisyon sa gagawin ko sa buhay ko.
Mula sa kursong kukunin ko hanggang sa taong papakasalan ko.
Lahat ng hihingin ko may kapalit.
Dapat paghirapan.
Simula ng mawala siya ako ang sinisi niya. NILA.
Mula pagkabata siya naman kasi ang paborito eh habang ako hindi man lang niya binibigyan ng choices.
Tulad nalang nung elementary ako.
Humingi ako ng pambili ng crayons para sa school activity namin pero pinaglinis niya muna ako ng buong bahay. Ok lang naman sakin kung kasama ang Cr kasi wala naman akong arte sa katawan pero ang maghugas ng pinggan? magkakapatayan tayo. Pero talagang sinasadya niya at pati rin yun eh pinag utos niya.
Nung high school naman meron kaming field trip pero hindi niya ko pinasama at pinatulong niya sa pagsisilid ng relief goods para sa charity event nila sa nasalanta ng bagyo.
Hindi ko naman na iisip na ampon ako kasi kamukha ko naman si Mama.
Ang unfair niya saming magkapatid kasi pag siya humingi o magpapatulong andyan kagad siya para pagbigyan ang magaling niyang anak.
Ano nga ba makukuha ng isang rebelde kompara mo sa top 1 student sa school?
Palagi akong talo.
Hindi ako naiinggit. (Kung alam mo lang)
Sinasabi ko lang na sana maging fair naman siya sakin.
Tsk! naalala ko nanaman...
I shooked my head para maiwakli ang mga naiisip ko at pumasok na sa loob ng kwarto. I took off my jacket at sinabit sa pako na nakausli sa likod ng pinto ng kwarto.