Dedicated to Caramelcake_01 DEMON14387 maxhaye_deiben
"Magandang maaga, Titser." Masiglang sambit ni Jastice. Pagkapasok nya ng office ko.
"Oh, Hi! Magandang UMAGA din, Little Prince." Sabay kurot ng pisngi nya.
"Umaga?"
"Yes. It's 'umaga' not 'maaga'"
He pouted.
"Why is it so hard?"
"Hahaha. You're too young to master that but you're doing great."
"R-really?"
Tumango ako sa kanya't napangiti naman sya doon.
"I'll go to my class. Suit yourself here, Little Prince." Sabay kuha ng mga gamit ko sa lamesa.
"Take care, guro."
Nagpalinga-linga pa ako dahil sa may hinahanap at isa payang parang may nakatingin na naman sa bintana.
"Dad is busy right now cooking for our lunch."
"H-ha??"
"You're looking for someone, right?"
"N-no. HAHAHA"
Grabe! Paano naman n'ya nalaman yun? Ma-iisue tong batang to ah!
Pero ano ba kasi yung niluto nya't kailangan pa talaga nyang umabsent for morning class??
"I'll go." And kissed his cheek.
May morning class went well.
"Guro!!!" Masigla nyang salubong sa'kin pagkapasok ko ng office ko.
Sa pinto palang ay naaamoy ko na ang bango ng pagkaing nakahain sa table.
"Hi there!" Sambit ko.
"Look, our lunch is ready. Let's eat." Habang hinihila ako papunta sa table. Naiilang man ay hinayaan ko nalang si Jastice.
"I don't know what to cook so I prepared much. I guess." Paliwanag nya nang mapansin ang pagkabigla ko nang makita ang maraming pagkaing nakahain. Halos mapuno ang table ko ng mga pagkain.
"Do you want something else?" Aligaga nyang tanong.
"No. N-no. It's enough."
Seryoso ba sya?? Pwede nya na ngang pakainin ang buong faculty member nya sa dami nito eh.
"I'll just wash my hands then let's eat."
"Masama ako, titser!"
Napangiti naman ako.
"SAMA iyon, Little Prince."
"Oh?? Right. Sama ako."
Naghugas nga kami ng kamay at nagkonting retouch narin ako. Ewan ko ba, kakain lang naman ako pero hindi ko alam kong ba't ako nagretouch. Basta ang alam ko, kailangan kong magretouch lalo na kung may laging nakatingin sayo.
"Ano tong naaamoy ko??!!" Sigaw mula sa pintuan ng office ko.
"Little Prince!!! Bakit hindi mo ako tinawag?!! Nakakatampo ka!" Padabog na sabi ni Sherby habang naglalakad papalapit. Umupo ito sa tabi ni Little Prince at nakapout na tumingin.
"You forgot your uncle, huh?" Tanong nya habang nakapout parin.
"Did we invite you to sit with us??" Masungit na tanong ni Sir Christian.