Signs (one-shot)

5.3K 76 9
                                    

hindi naman halatang mahilig ako sa mga signs na story noh.hahaha

basta ewan read nyo na lang din.XD

enjoy

hanapot

vote,comment,fan

XD

___________________________________________________________________

Signs

            “ Asan na ba kasi yun! Nilagay ko naman sa bulsa ko yun kahapon e, nung pumunta ako ng park”, kausap ni Yuki ang sarili habang nagkakalkal ng mga gamit nya. 1st day din niya ngayon sa school kaya siguradong malalate na din sya. Hinahanap nya kasi yung pinagsulatan niya ng mga signs, ang kanyang wishlist. Pero tanda pa naman niya ang mga nakasulat doon. Dahil 1st day ng klase, pwedeng magcivilian ang mga estudyante, hayskul naman sila kaya okay pa yun. Nakarating na din siya sa classroom niya ang worst sa dulong upuan pa at katabi pa niya ang pinakamasungit sa classroom nila, si Kyou na nakasuot ng kulay yellow na shirt. Sa isip-sip ni Yuki, buti na lang at hindi kulay green ang suot nyang damit. Nakalagay kasi sa list nya at ang 1st kailangan GREEN ang kulay ng DAMIT ng makakatabi niyang lalaki sa 1st day ng klase, so fail na agd ang 1st sign. Dumating ang recess at kasama niya si Athena sa cafeteria. Bumili sya ng CAPPUCINO AT BLUE BERRY CAKE, ang 2nd sign. “Sana naman matupad ang 2nd sign”, bulong nya sa sarili. Pumesto na sila sa medyo gilid ng cafeteria. Nakita niya si Kyou na bumili din ng CAPPUCCINO AT BLUEBERRY CAKE.

“Naku naman, bakit sya pa?asar naman oh”, nakangusong sabi ni Yuki.

“Ang alin?”, curious na tanong naman ni Athena.

“Wala. Tara na nga lang sa room”, yaya na nya kay Athena.

            Dati kasi crush ni Yuki si Kyou, kaya lang masungit ito kaya naman inayawan na niya na maging crush ito. Sumaoit na ang uwian at nagmamadali na siyang umuwi. Nakakita agad siya  ng tricycle na wala pang laman. Nagmamadali siyang tumakbo doon. Nakapasok na siya sa loob ng tricycle habang nagmamadali ding pumasok si Kyou sa loob din ng tricycle. Ang 3rd sign.

“Teka, ako ang nauna sa tricycle na ito ah,” singhal ni Yuki kay Kyou.

“Bakit sayo ba tong tricycle?”, masungit a sagot naman ni Kyou.

“Wag na kayong mag-away, saan ba kayo pupunta?”, sabat ni manong driver.

“Sa St. Claire Village po Manong,” Sabay na sagot nina Kyou at Yuki.

            Nagkatiniginan sila pero inirapan lang ni yuki si Kyou. Habang umaandar ang tricyle napansin ni yuki na kulay blue na ang damit ni Kyou. “Ang arte naman, nagpalit pa ng damit,” sa isip-isip ni Yuki. Walang umiimik sa dalawa.  Huminto ang tricycle sa tapat ng isang bahay, may mangilan-ngilan ng mga tao at maingay din dahil sa tugtog. Naunang bumaba si Kyou at sumunod naman si Yuki.

“ Sinusundan mo ba ako?”, mayabang na tanong ni Kyou.

“Excuse me, Birthday ng pinsan ko and obviously invited ako. Tabi nga jan!”, sagot na may pagkairita ang ni Yuki.

            Nauna ng maglakad si yuki sa loob at nasalubong naman iya ang pinsan nya. Binati nya ito. Nasa likod pala nya si Kyou, napansin naman ito ng pinsan niya.At agad na lumapit.

“Uy , Pre, buti na lang dumating ka. Kala ko di ka na pupunta e,” wika ng pinsan ni Kyou.

‘ Bakit naman hindi ako pupunta?pwede ba yun? Happy birthday pre,” Nakangiting bati ni Kyou sa kaibigan.

“ Salamat. Ay nga pala pinsan ko si Yuki”, pakilala ng pinsan ni Yuki kay Kyou.

“Magkakilala na kami”, magkapanabay na sabi ng dalawa

“oh!talaga ang galing naman,” hindi makapaniwalang sabi ng pinsan ni Kyou.

“Sige insan kakain na muna ako”, paalam ni Yuki sa Pinsan nya.

            Nagpunta na si yuki sa kusina at kumain doon kasama ng ilang bisita. Matapos niyang kumain pumunta siya sa likod-bahay. Tahimik kasi doon at gusto niya magpahangin. Umupo sya sa isang kahoy doon.

“Ate!ate!ate”, tawag sa kanya ng isang bata

“Ano yon?” sagot naman nya

“Pagpinagcombine po ba ang color yellow at blue, anong kakalabasan na kulay?”, tanong ng bata.

Napaisip bigla si Yuki. “Edi GREEN”, sagot nya sa bata.

“salamat po”, at tumakbo na ang bata papunta sa mga kalaro nya.

            Naisip ni Yuki  yung mga signs. Nanlaki ang mata nya. Hindi sya makapaniwala. Natupad lahat ang signs at natupad lahat iyon ni Kyou. So ibig sabihin…….

            Hindi namalayan ni yuki na nasa harap na pala nya si Kyou. May dala itong puting papel at nakatupi.

“Bakit ka nandito”, masungit na tanong nya sa binata

“ May isasauli lang ako sayo”, sagot ni Kyou

“Ano naman iyon?”

“Oh”. Inabot ni Kyou ang papel kay Yuki. Nanlaki ulit ang mata nya. Ang WISHLIST nya. Hinanap nya kaninang umaga ito pero hindi nya ito nakita. Paanong napunta ito kay Kyou?

“Pa…paanong napunta ito sa iyo?”, kinakabahang tanong ni Yuki kay Kyou.

“Nahulog mo yan sa park kahapon, napulot ko lang,”kwento naman ng binata.

“ibig sabihin ginawa mo lang talaga yung mga signs at hindi iyon nangyari accidentally?”, naiiyak na tanong ni yuki.

“oo”, walang kagatol-gatol ngunit nakayukong saad ni Kyou.

            Hindi pa rin makapaniwala si Yuki. Yung signs. Yung 1st sign, green na damit, natupad ni Kyou iyon dahil yellow noong umaga ang suot nya at blue nitong hapon at pag pinagcombine mo,GREEN ang kakalabasan. Yung 2nd sign, sa cafeteria, cappuccino at blueberry cake  din ang binili nya at ang 3rd and last sign nagkasabay sila sa tricycle. Ibig sabihin ginawa nya lahat ng iyon. Nanlulumo na napaupo sa kahoy si Yuki.Umupo din si Kyou doon.

“Hindi ibig sabihin na ginawa ko lang lahat ng iyon para e hindi mo na makita  si Mr. Right mo dahil nakita mo naman na talaga sya e dahil….mahal kita Yuki”, saad ni Kyou.

Napatingin si Yuki sa tabi nya. “Anong sabi mo?”

Tumingin din si  Kyou sa mga mata ni Yuki. “Mahal kita ,matagal na. Bata pa lang tayo. Masungit man ako sayo, defense mechanism ko lang un sayo, dahil  hindi magawang makalapit sayo at nagging chance ko yung wishlist mo para mapansin mo ko”, buong sinceridad na pag coconfess ni Kyou kay Yuki.

            Naitakip ni Yuki ang mga kamay nya sa bibig nya. Dulot ng shock at hindi makapaniwala. Nagconfess na sa kanya ang taong matagal nan yang gusto, si Kyou.

“Okay lang kung magalit ka saken. Dahil sa ginawa ko. I deserve it.” Nakayukong sabi ni Kyou.

“O..okay lang. Ibig sabihin lang nito hindi totoo ang mga sign nakakatawa lang isipin na naniwala ako doon.So childish,” wika ni Yuki.

Napangiti na sila pareho. “Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako dahil sa nagawa ko, as in lahat,” matapang na sabi ni Kyou.

“As in Lahat?hmmm”,  nag-isip kunwari si Yuki.

“Oo”, matipid na sagot ni kyou

“Para mapatawad kita, bilhan mo ko ng ice cream, vanilla flavour,” masayang wika ni Yuki.

“Okay sige yun lang pala e. At saka isa pala, can we start AGAIN………as a GOOD FRIENDS?”

“Oo naman. Yung lang pala e”. Nakangiting saad ni Yuki.

“destiny is not a matter of chance it is a matter of choice”. Tayo ang gumagawa ng lahat ng bagay na  nakakapagpasaya at nakakapagpalungkot satin. Hindi ito sinadya o ano pa man. Sinadya man tayo rin naman ang may gawa sa simula pa lang. Wag kang mainip kung hindi pa dumadating si Mr. right mo, dahil may plano pa si God para sa inyo. Patience is the best virtue in love. Kaya hintay-hintay lang mga ka-SINGLE. J

Signs (one-shot)Where stories live. Discover now