Trisha's pov
"P'wedi bang magpahinga na muna tayo? Kanina pa tayo palakad-lakad." reklamo naman ni Robin. "Kung pagod kana, p'wedi ka naman maiwan. Hinihintay ka na din ng mga infected." sarkastiko kong sagot.
"Trisha, tama na." pagpigil sa akin ni Jerlyn. Hindi ko nalang ito sinagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Hide!" bulong ni Marvin ngunit huli na dahil nakita na nila kami. Wala kaming nagawa kundi tumakbo. Napansin ko naman na nakahawak si Gav sa kaliwa kong kamay. Mas binilisan namin ang pagtakbo dahil maaabutan na kami.
"Sa loob!" sigaw naman ni Marvin, itinuro nito ang isang building. Agad naman kaming pumasok at isinara ang pinto. "Kumuha kayo ng pangharang." utos naman ni Jerlyn. Alam kong hindi din magtatagal ang pinto dahil isa itong glass. "Umalis na kayo..maghanap kayo ng matataguan bilisan niyo bago pa nila ito masira!" utos sa amin ni Gav. Silang dalawa nalang ni Jerlyn ang pumipigil sa pinto. Sumunod naman agad ako kay Marvin sa pagtakbo sa loob mg building. "Mag-iingat kayo, Jerlyn!" huli kong sabi sa kanila.
"Dito bilis!" sigaw ni Marvin. Pumasok agad kami sa loob. Hinintay naman namin sina Jerlyn.
"Saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni Marvin.
"Kailangan kong tulungan sina Jerlyn."
"Alam mo naman na mapapahamak ka sa gagawin mo."
"Marvin, kapatid ko si Jerlyn. Hindi ako papayag na mawala ulit siya sa akin." agad ko ng binuksan ang pinto at tumakbo pabalik kay jerlyn.
End of pov
Jerlyn's pov
"Masisira na nila ang pinto." konakabahan kong wika kay Gav. Nahihirapan na din si Gav sa pagpigil.
"Jerlyn!"
"Umalis ka na, bakit bumalik ka pa?"
"Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hindi ko hahayaan na mapahamak kayong dalawa na wala akong ginagawa." agad din itong tumulong sa amin. Malapit ng masira ang pinto. Maya-maya pa'y dumating na din sina Marvin at Robin. Tutulungan na sana nila kami ng biglang masira ang pinto.
"Takbo!" agad ko naman hinila si Trisha at tumakbo.
"Jerlyn dito!" sigaw ni Trisha at agad naman kaming sumunod sa kanila. Nahuhuli na din sina Robin at Marvin. Naunang nakapasok si Gav sa loob ng room.
"Bilisan niyo!" pagmamadali ni Gav sa amin, hanggang sa nakapasok na kami ni Trisha sa loob. Hindi muna namin ito isinara at hinintay sina Robin at Marvin na tumatakbo, medyo malayo pa silang dalawa. Babalikan ko sana sila ngunit pinigilan ako ni Trisha. Maya-maya pa ay dumating na din sila. Palapit na din ng palapit ang mga infected. Hanggang sa nadapa si Robin. Agad naman tinulungan ni Marvin si Robin na tumayo. Umiika na din si Robin dahil sa pagkadapa nito.
"Trisha saan ka pupunta?"
"Tutulungan ko sila!" sigaw nito, agad itong tumakbo at inalalayan agad si Robin. Nang makarating na sila sa pinto ay agad ko naman inalalayan si Robin sa loob. Nasa hulihan pa din si Marvin. Tela may hinahanap.
"Marvin bilis!"
"Hindi 'yon maaring mawala!" huling sabi nito bago ito maabutan ng mga infected. Wala na kaming nagawa kundi isara na ang pinto at agad naghanap ng mga mabibigat na pangharang sa pinto.
BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
Science FictionFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)