Chapter three: Ulit

4K 30 5
                                    

 

Magiisang linggong palage akong tulala, hinde kasi maalis-alis sa isip ko ang mga nangyare nanggabing yun. Napakabilis ng lahat at sa isang iglap nawala ang isang bagay na pinakaiingatn ko.

Alam kung lahat ng pagkakataon ng mga oras nayun p’wede akong sumigaw pero hinde ko ginawa hinayaan at nagpaubaya pa ako bandang huli.

Napakagandang salubong ng maynila sa akin, gustuhin ko manglumayas at umuwi sa amin dahil sa nangyare hinde ko magawa. Pinangungunahan ako ng takot at hiya sa maaring sabihin ng aking tiyahin. Kung tutuusin hinde naman ako pinilit na lumuwas at mag trabho dito, sadyang matigas lang ang ulo ko at nag pumilit ako.

Ang isang pinagtataka ko lang magiisang linggo na pero ni anino ng lalaking nagsamantala sa akin ay diko pa ulit nakikita.

Kung hinde lang totally stranger yung tao nayun sakin  iisipin ko na may pagmamahal ang namagitan sa aming dalawa.

“Hoy….!”

“Ay kinabayo ang palakang hubad..” Nagulat ako ng maybiglang sumigaw sa likod ko. Napahawak  ako sa dibdib dahil sa pagkakagulat ko.

“EEhhh…. Ate Linda naman nakakagulat ka..”

“Kasi naman po kanina pa ako dito nakatayo, nadaanan kasi kita papunta sana akong kusina. Bakit ka ba tulala ha?. Ang lalim naman ata ng iniisip mong bata ka, Madalas kitang napapansing ganyan may problema ka ba?”. Nakita ko ang pag aalala ni ate Linda ng matapos ang mahaba at sunod-sunod n’yang tanung sa akin.

“Wala po ito ate namimiss ko lang po ang t’yang ko” Pagsisinungaling ko sa kanya sabay yuko.

“Ay nakong bata ka…. masasanay ka din pagtumagaltagal, Oh s’ya bumalik ka na sa ginagawa mo kailangan nating makapag ayos at mamaya ay darating na ang mga amo natin.”. Napaangat ang ulo dahil sa narinig, nakaramdam din ako ng sobrang kaba. Babalik? ibig bangsabihin makikita ko na ulit yung lalaking yun?

“Babalik ate…!?” Napalakas na Tanung ko ulit kay ate Linda.

“Susmaryosep kang bata ka… Bakit ka ba sumisigaw? oo malamang babalik at uuwe ang mga amo natin dito bahay nila ito.”

“Pasensya na po ate” Nahiya kong sagot. Makatanung ka naman tanga lang kasi Nika…! Malamang babalik at uuwe dito yun anak ng amo mo yun.   

“Ikaw bang bata ka ay Sigurado okay ka lang?” Nakita ko ang malaking pagtataka ang rumihistro sa muka ni ate linda habang nakatingin sa mata ko, agad kung binawi ang pagkakatingin at sa ibang dereksyon tumingin.

“Sige po ate itutuloy ko na po yung paglilinis ko” Saka nagmamadaling tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagpupunas ng vase sa harap ko.

Kahit nagpapatuloy na ako sa ginagawa ko hinde padin kumikilos upang umalis si ate Linda. Alam kung nakatingin s’ya sa akin pero binaliwala ko na lang ito at pinag patuloy ang paglilinis. Maya-maya pa ay nakita ko na ang pagtungo nya sa kusina.

Fingers On Her Bra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon