Chapter 31 - Love Affair

147 3 0
                                    

A/N: YEPPEY! 

Dedicated to @JamielynRiegoDeDios 

Walang laitan ng gawa ha! hahah... This reminds me of our 'TWO WIVES' joke...

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


ZYRA'S POV

Hindi na umalis si Carl sa office ko at ang rason niya ay baka daw pagtahuan ko na naman siya. 

I sighed. Hindi kasi ako makapagtrabaho ng maayos kung alam kong andyan lang siya at nakamasid sa akin habang busy ako sa mga papeles na dapat kong ayusin.

Nakaupo kasi siya sa couch na nasa opisina ko habang nakatitig sa akin.

Di na rin ako nakatiis at sinaway ko na siya.

"Carl, stop staring! You are disturbing me!"  

Grabe kasi makatitig eh. Not that I don't like it.

He innocently smiled at me.

"What? Wala naman akong ginagawa ah!"  Itinaas pa nito ang kamay sa ere para i-emphasize yung point niya. I rolled my eyes kasi parang nang-aasar lang ito. 

Hindi pa rin ako komportable sa setup namin. 

I never asked him to really call the wedding. Ayoko naman na 100% umasa na gagawin niya iyon. I am also preparing myself if ever he might fall out of love to me. I did not demand from him to immediately break up with Lorraine either. Ayoko naman kasi ding masabihan na sobrang atat.

Mas mabuti ng siya ang gumawa ng hakbang at maghihintay na lang ako. Even if it means that I am their third party.

"Bakit kasi ayaw mo pang bumalik sa office mo? Wala ka bang gagawin? "  

"Pinapaalis mo na ako?"  He looked a bit hurt at nakonsensya naman ako. Ilang araw ko din kasi siyang iniwasan pero hindi pa naman kami nun. Urgh! 'kami?'  It sounds like he is my boyfriend.

I sighed at him.

"Hindi sa ganun kaso lang kasi...."  

Paano ko ba sasabihin na hindi ako makapagconcentrate dahil sa presensya niya.

"Dahil??"


Napalunok ako. 

"K-Kasi... kasi naman.... "  I saw him smile at me. Nawala yung sasabihin ko!

Takteng ngiting iyan!

"Kasi, basta! Lumayas ka na lang kasi! " Naiinis kong sabi sa kanya. 

Perfectly StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon