Masakit bang maniwala sa salitang FOREVER?
Oo.Sobrang sakit.
Napakadami nyang ipinangako sa akin.Parang noong isang linggo lang e sinasabi nya na sobrang mahal na mahal nya ako.Na hindi nya ako iiwan kahit anong mangyari.Na'FOREVER' na kami.
Pero biglang nagbago ang ikot ng mundo.Lahat ng pangako nya..biglang naglaho.Para bang bula na biglang nawala.
Isang gabi ay nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa harap nya.At sinasabi ang katagang "akala ko ba hindi mo ko iiwan?","akala ko ba forever tayo?" Sobrang sakit ng nararamdaman ko noong panahon na 'yon.Pero wala ng mas sasakit pa sa salitang binitawan nya na..
"Hindi na kita mahal..hindi na ako masaya sa relasyon natin"
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon.Dahil pakiramdam ko e,talo na 'ko..Bumitaw na sya..Puno ng pagsisisi ang isip ko..pero pilit kong inaalala kung ano ba ang nagawa kong mali?Saan ba ako nagkulang?Paanong hindi sya naging masaya e lagi ko nga syang napapangiti?
Iyak ako ng iyak sa kanyang harapan at sinabing bigyan pa ako ng pagkakataon.Ngunit huli na..ayaw nya na talaga.
Hanggang ngayon,misteryo sa akin kung bakit parang bula na nawala ang pagmamahal nya sa akin.
Kani-kanina lang,binasa ko ang mga love letters nya sa'kin.
Hindi na mabilang ang luhang pumapatak sa mata ko sa tuwing nababasa ko ang sinabi nya sa sulat na "Hinding hindi ako bibitaw" .."Hinding hindi kita iiwan" .."Walang susuko".."Makasama ka habang-buhay"
Bakit naman ganoon? Napakasakit.Sya lang ang pinangarap kong makasama habang buhay.Akala ko,sya na talaga ang para sa akin..
Kailan kaya maghihilom ang sugat ng puso ko?
Hanggang kailan ba ko magtitiis?
Hindi ko na kaya..
Sana ay panaginip lang ang lahat..
Sana magkaroon ng time machine para maibalik ko ang mga masasayang araw ng kapiling ko sya..
Sana..
***
A/N : Okay,hindi po ito story.It;s just one of those little POV's of those who are broken.I dedicate this to my friend :( :) You can do it girl,MOVE ON! :)
Please read my story: www.wattpad.com/He's-My-Destiny
xxpauikaaan</3
11.24.14