Chapter 19
"Good morning, Yann!" pambungad ko sa kanya nang makita ko siya sa sala nilang naghihintay.
"Morning." Sabi niya at tumayo na siya at sinuot yung backpack niya.
"Mga gamit mo, akin na." Alok ko at kinuha na sa sahig yung maleta niyang violet.
"Thanks!" Tinapik niya balikat ko at tumakbo na palabas. Wala si Tita Julie kaya wala siyang pagpapaalamanan maliban sa mga katulong nila dito.
Binuhat ko na maleta papasok sa sasakyan. Nakita ko siyang binati ng 'good morning' sila mommy, daddy at Rycie. Pagkatapos ay pumasok na kami sa van at humarurot na ang sasakyan.
"Bes, sa isang room na naman tayo." Paalala ko sa kanya habang inaabutan siya ng Stik-O.
Bumabyahe na kami papuntang airport.
"Ha?! Na naman?! Bakeeeet??" Reklamo niya at sinalpak sa bibig niya ang dalawang stick ng Stik-O.
"Sorry, Yannie. Fully-booked kasi yung hotel. We had no choice. Eh, ayaw naman ni Rycie na kasama kayong dalawa sa room." Paliwanag ng dad ko habang nagdadrive.
Ngumuso lang si Yann, wala naman na siyang magagawa.
Kinurot ko pisngi niya, "Parang ayaw na ayaw mo sa 'kin ah?"
"I just... ugh, nevermind." Tapos ay bumuntong-hininga na lang siya.
"Don't worry. Wala akong gagawing masama sa 'yo!" Biro ko sabay halakhak.
Hinampas naman niya ko! "Che! 'Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kinikilabutan ako!" Tinignan ko siya at nakita kong namumula mukha niya.
Tumawa kaming lahat at nagbiruan pa. Geez, akala ba nila hindi ko nahahalata na ipinagkakanulo nila kami ni Yann? Sh*t lang, nakalimutan ba nila na may nililigawan ako? At hindi si Yann yun.
Nang makarating na kami sa NAIA, lumipas ang 30 minutes, nagboard na kami sa eroplano papuntang Bacolod. And less than an hour, nakarating na kami doon.
May sumundong van sa 'min, sa tito ko. At dinala na kami sa Hotel Pagcor, kung saan manager ang tito ko, kuya ni dad, si Tito Robert. Actually, manager ng kahit saang Pagcor si Tito Robert eh.
Pagkarating namin sa hotel, nag-aabang na sa lobby si Tito Robert. Of course, we greeted each other.
Sa third floor ang rooms namin, magkatabi..
"Lagay mo muna diyan gamit mo, mamaya ka na magbihis." Sabi ko kay Yann dahil inaya kami ni tito na maglunch sa restau sa hotel. His treat, of course.
"Astig ng tito mo ah, nakakamanage ng ganitong hotel and casino." komento ni Yann habang naghihintay kami sa elevator.
"Says the daughter of the owner of an accounting firm." balik ko sa kanya.
"It has a different feeling, Ian." Hindi na ko nakipagtalo sa kanya kahit hindi ko siya na-gets. Ang random ng babaeng 'to kahit kailan.
Naglunch kami sa restau ng hotel, cozy ang feeling sa restau, at naging lively ang usapan sa table namin dahil puro kamustahan.
"Hijo, girlfriend mo ba 'tong kasama mo?" Nagulat kami ni Yann sa tanong niya. Well, I can't blame him, ngayon lang niya nakilala si Yann.
Umiling kami ni Yann, "No, tito. She's just my best friend." ngiti kong sagot. "And besides, I'm seeing someone else." sabay inom ng tubig.
Tumango-tango lang si Yann sa tabi ko.
"Oh really? Pero bakit hindi siya ang kasama mo?"
Ngumiti ako, "We're not at that stage yet, tito. Nililigawan ko palang po."
"Pagsabihan mo nga kuya, isang buwan na ata pero di niya pa rin girlfriend." singit ni dad.
"Nakakadisappoint nga eh, akala ko pa naman itong si Ian at Yannie ang magkakatuluyan." reklamo ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Pero bago pa man ako makasalita, inunahan na ko ni Yann.
"Tita, that's impossible. Sabay nga kaming lumaki ni Ian eh, we're like siblings. Ilang beses na po ba naming sinabi 'to?" malambing ang tono ni Yann sabay tingin sa 'kin tapos tumawa siya nang mahina.
"She's right." Yun lang ang nasabi ko at uminom na naman ako ng tubig. F*ck it, ba't parang nanunuyo lalamunan ko.
Pagkatapos ng lunch, bumalik kami sa rooms namin, agad akong sumalampak sa kama ko. Tig-isang single bed kami ni Yann dito.
"F*ck," Mura ko pagkahiga ko. "Hirap talaga ng buhay."
"Anong mahirap?" Tanong ni Yann na sa tingin ko ay nakaupo sa floor at nag-aayos ng gamit. Ano sa tingin mo, Julyanna?
"Nothing. Hindi ko pa kasi napapasagot si Anjella."
"Nothing ka diyan ta's meron ka naman palang sasabihin? Take things slow, Ian. Sabi nga ni Hemingway, Patience is a virtue."
Umupo ako sa pagkakahiga ko para tignan siya, "Sa tingin mo, kailan ako sasagutin ni Anjella?"
"I dunno. It depends. Kung matiyaga ka, she'll eventually give in." Tapos ay nagkibit-balikat pa siya.
"Kung ikaw si Anjella, sasagutin mo ba ang tulad ko?"
Ngumisi siya at sinarado na niya yung maleta niya, "But I'm not Anjella."
"If nga lang di ba?" I somehow, wanted to know her answer.
Tumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa
"Ewan, maybe yes." Tapos ay tinalikuran na niya ko at dumiretso sa CR.
Napahiga na lang ako at tumunganga sa ceiling.
F*ck yeah, but unfortunately, she's not Anjella.
----------
Votes and comments are highly appreciated!
A/N: August 11, 2015. People really come and go in our lives. Nainspire/Nagka-idea pa naman ako sa chapter na 'to dahil sa Tito ko. Rest in peace, Tito Dan(Real name ng tito ko), he passed away last 08/08/15, unexpectedly. Manager talaga siya ng mga Pagcor, kaya madalas kaming libre sa mga hotel. Kaya nga laughtrip eh, yung mga flowers nung funeral niya pare-pareho galing Casino Filipino, iba-iba lang ng lugar. Osya, share lang. Nakakalungkot kasi talaga eh, he was very nice. Sayang, 61 palang siya. Hayyyy.... Ganun talaga.
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...