"Nakaka-inspire talaga pumasok sa simbahan lalo na't maganda ang nagbabantay."
Tiningala ko si Elijah na ngayon ay nakangisi na. Sa totoo lang ay ang gwapo nito ngayon sa suot n'yang long sleeves na puti. Parang Pastor.
S'ya lang ata itong grabe ang pinagbago saamin dahil hindi narin s'ya nagsusuot ng salamin. Naka-contact lense na ito.
"Magtigil ka nga, Pres. Isulat mo na rito ang name mo at wag kang ngumisi lang d'yan." Inabot ko sakan'ya ang ballpen.
"Pres? Really? Come on Sabina, it's been a years gan'yan parin ang tawag mo saakin." Tumatawang aniya saka sinulat ang pangalan sa log book.
"Nasanay lang ako." Sabi ko, totoo naman.
"Ikaw? Anong ginagawa mo nanaman dito sa Church namin, ha? Wala ka bang trabaho?" Pinanliitan ko s'ya ng mata.Palagi nalang s'ya dito sa church namin, lalo na kung may event. Kilala na nga s'ya lahat ng members namin pati nina Pastor George eh.
"It's vacation, remember?" Aniya saka binalik saakin ang ballpen.
"Saka alam mo namang gustong-gusto ko dito sa church nyo dahil nandito ka."Pabiro ko s'yang sinamaan ng tingin.
"Hindi na pagmamahal 'yan, sir. That's obsession."Natawa naman ato nang nandidiri n'ya akong tignan. Palagi nalang kaming ganito ni Elijah. 5 years na ang nakalipas pero palagi parin naming tinutukso ang isat-isa tungkol sa pagka-gusto n'ya saakin noon. Sa huli ay palaging ako ang nananalo at s'ya ang pikon.
Elijah was the com laude when we graduated back then, hindi naman nakakapagtaka iyon. Kaya mabilis s'yang nakakuha ng trabaho sa ISU.
Kaya ngayon ay palagi n'ya akong kinukulit na mag-apply narin ako para raw maranasan ko rin ang pagod bilang isang guro at para raw magkasama kami. 'Yon naman talaga ang plano ko eh, maybe next month pa kasi nag e-enjoy pa ako sa vacation ko.
"Ang aga mo naman, mamayang gabi pa ang celebration ah." Reklamo ko. Alas-dyes pa ng umaga at mamayang alas-sais pa ang anniversary celebration ng church.
"Tutulong ako sa paghahanda. Ayokong mapagod ka, mahal."
"Yuckk!" Tumayo bigla mga balahibo ko sa katawan dahil sa narinig.
"Isusumbong talaga kita kay Pastor Bong, palagi ka nalang nandito.""Trust me, he knows." He grinned.
Napailing ako saka tumayo. Tinawag ko si Mia, isa sa mga disciples ni Maurene para s'ya ang magbantay dito sa entrance ng Church. Kaylangan kasing malista ang mga names ng mga papasok lalo na mamaya at may event.
"Sige po ate, Sab. Ako na bahala."
"Si Maurene?" Tanong ko sakan'ya.
"Sa bahay po ni Pastor George, tumutulong sa pagluluto."
"Thank you, Mia."
Umalis na kami doon ni Elijah at pinuntahan ang mga kasama namin sa loob.
'Yong iba ay nag d-decorate, may mga nag ma-mop din at 'yong iba ay siguro nasa bahay nina Pastor George d'yan lang sa tapat at tumutulong para sa paghahanda ng pagkain.
'Yong music team naman ay chini-check na ngayon ang mga instruments nila. 10th anniversary ng church namin ngayon at mukhang maraming bisita dahil malaki talaga ang paghahanda nina Pastor dito.
"Sintonado naman 'yang drums mo, Dan." Pangungulit ko kay Dani na hindi maipinta ang mukha ngayon, nakaharap sa mga drums. S'ya kasi ang mag d-drums mamaya sa Praise and Worship.
"Sira, kita mong wala sa mood 'yang kaibigan mo eh." Bulong saakin ni Pres.
I just shrugged. Siguro ay nagkapikonan nanaman sila ng boyfriend n'ya.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualeLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...