Sa buhay ng tao naalala lang natin Siya kapag may problema. May kailangan tayo o di kaya'y may hinihingi tayo. Ang mas malala ginawa pa natin siya Genie. Gusto natin kung ano yung punagdadasal natin wow instant e grant niya agad. Pero ang tanong sa panahon ba ng kasiyahan at karangyaan ng buhay naalala at nakakapagpapasalamat ba tayo sa kanya?.
Even though despite of all the sacrifices He made for us, do we know how blessed and grateful we are?
Kahit sa pag-ibig, sa pagpili ng taong mamahalin natin. Minsan akala natin *HE IS THE ONE* pero hindi pa pala.
Ang iba ay masaya kasi may love life. Ang iba naman bitter dahil iniwan o nang-iwan. Pero alam mo ba mas masaya kapag ang The One na Hinahanap mo ay sagot sa mga panalangin mo sa Kanya. Pero may mas matindi pa dyan bukod sa romantic relationship na lagi mong inaasam-asam. Ito ang ang maranasan kung paano ka ligawan ng Panginoon. Paano ka niya lambingin at alagaan, e surprise at higit sa lahat ay kung paano ka niya mahalin ng walang kapalit at take note di ka 2nd option dahil para sa Kanya isa kang Prinsesa o Prinsipe.