Chapter 8

21 3 0
                                    

Chapter 8

I always thought that those scenes from the movies are too impossible to happen. Akala ko... malabong mangyari ang mga iyon sa tunay na buhay.

The pain. The rising action. The never-ending blackening of mind.

Magugulat ka na lang talaga when you experience it yourself.

Napadaing ako dulot ng biglaan kong pagtumba. Nakadapa pa rin ako ngayon at hindi na makabangon dahil sa sobrang lakas nang pag-uga ng lupa.

"There's an earthquake!"

Lalo akong nag-panic nang marinig ang samu't-saring sigaw ng lahat. The environment is full of noises from desperate people who want to save themselves. Panay rin ang iyakan ng mga bata.

"William?" Naluluha na ako at pinilit kong bumangon upang hanapin ang bodyguard ko. Wala siya. Hindi ko siya mahanap.

I bit my lip and looked down at my heels. Tinanggal ko ang pinaka-lock niyon at dahan-dahang gumapang.

There's a possibility na gumuho ang cathedral. Kaya't hangga't matino ang pag-iisip ko, dapat makaalis na ako rito.

You... yourself. If you're in any kind of danger, iyon lang ang dapat mong isipin.

Selfish? Maybe. But it's the best thing to do—to think.

Luckily, umuusad ako kahit patuloy pa rin ang paggalaw ng lupa. Dinig ko ang pagbagsak ng mga kagamitan at mga estruktura mula sa itaas.

Napapapikit ako sa t'wing naririnig ko ang mga nagbabagsakang mga gamit. Naiiyak na ako dahil pakiramdam ko... anumang oras ay mamamatay ako.

"Help! Help!"

Napalingon ako sa sumigaw na iyon. That's a child's voice. Humihingi siya ng tulong dahil nadaganan ang paa niya ng malaking tipak ng semento.

Okay... should I take back what I have said? About the... selfish shits?

Kahit naman ganito ang ugali ko, I can't bear to see an almost dying child!

"Oh my god!" Bulong ko at umikot patungo sa direksyon ng bata. Hindi ko talaga siya kayang tignan sa ganoong posisyon! Medyo malayo naman na iyon sa Cathedral so I think it's less risky. But still, this is... nerve-wracking!

"Hey, hey..." I finally reached her. "Are you okay?"

She's talking in Italian and she's asking me to help her.

"Okay. We'll just throw that big rock away from your foot, okay?"

She showed me her thumbs up.

Nanginginig ang kamay ko habang tinutulak ang tipak ng sementong nakadagan sa bata. Hindi naman gaanong mabigat kaya maya-maya lang ay nakatayo na agad siya.

"Grazie." Nakangiting sabi nito.

"You're welcome." Ngumiti rin ako.

Umuga nang malakas ang lupa, natumba ulit kaming pareho.

"Strisciare per terra!" Sigaw ko. Sinabi kong gumapang siya sa lupa.

Tumango naman siya at agad na sumunod sa paggapang ko. Medyo nawala na ang malakas na paglindol. Nakahinga kami nang maluwag.

Naghahabol ang hiningang huminto ako sa paggapang, ganoon din ang bata.

"Pensavo che sarei morto..." Naluluha kong sabi. Akala ko kasi'y mamamatay na talaga ako.

"Anche io." Siya rin daw. 

I'm surprised that she did not cry. Common kasi sa mga bata ang ganoong reaction, hindi ba? Usually, uupo lang sila at bigla na lang iiyak sa isang gilid.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now