"Ma'am don't worry about, Zephyr she's doing well." Sambit ng doctor na nag check up sa akin. Halos tatlong buwan na akong bumabalik dito para daw macheck ako at ng malaman nila kung okay na ba daw talaga ako.
"Thankyou doc, this will be the last check up of Zephyr, right?" Tanong ni mama
"Yes po. So she can go back to school na din ma'am. Kung magkaroon man ng problema pwede nyo po akong tawagan."
Nagpaalam na kami kay Doc, at lumabas na clinic nito.
"Narinig mo naman si Doc, di'ba you can go back to school na."
"Mabuti naman po, nababagot na ako na sa bahay lang. Mula ng magising ako mula sa coma hindi na ako nakakaalis ng bahay. Saka lamang ako makakaalis kung magpapa check up ako." Tumigil ako sa paglalakad kasi medyo na uuna ako kay Mama.
"Finally makakabalik na din ako sa WestRidge" sambit ko.
"Hija hindi ka na sa WestRidge papasok, me and your father decided to send you to Clinton Academy."
"Pero Ma simula noong mag aral ako sa WestRidge na ako hanggang ngayong Senior High so bakit kailangang lumipat? Pati di'ba Dormitory School yun?"
"Yes anak. Basta sumunod ka na lang samin. Para naman lahat ng ito sayo"
Nagpatuloy na si Mama maglakad palayo sakin. Kaya wala na din akong nagawa kundi sumunod sa kanya papunta sa sasakyan.
Hindi na ako nakapagsalita pa muli, dahil mukhang hindi ko na mababago ang isip niya, lalo na ni Papa.
Maybe it's already time to experience new things.
"Ma?"
"Yes anak?"
"Ang tagal ko na po itong gustong itanong, bakit ako nacoma?"
Narinig ko namang tumunog ang cellphone ni Mama. Napabuntong hininga na lang ako. Sa tuwing magtatanong ako sa kanila about what happened laging may humahadlang.
Saka ko na lamang sila tatanungin. Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako sa byahe.
Nang makauwi kami ay dumiretso agad ako sa kwarto upang ituloy ang aking pagtulog.
Tumatakbo ako, naririnig kong may sumisigaw. Pakiramdam ko ay ako ang hinahabol nila. Pero bakit?
"AMBER STOP! HUWAG MO NA KAMING PAHIRAPAN. ALAM MO NAMANG HINDI KA MAKAKATAKAS SA AMIN"
Sigaw ng lalaking humahabol sakin, naririnig ko ang tawanan nila ng kanyang mga kasama. Nagdiretso ako sa isang kakahuyan. Nagulat ako ng biglang may humila sakin.
Niyakap nya ako, tinignan ko ang kanyang mukha kung sino ito ngunit natatakloban ito ng isang puting maskara.
"Anak gising" narinig kong sigaw ni Mama. Panaginip na naman. Palagi akong nanaginip ng mga ganoong pangyayare. Palagi akong hinahabol. Pero laging napuputol.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay totoong nangyare na ang lahat ng iyon.
"Is it that dream again sweetie?" Nag aalalang tanong sakin ni Mama. I just nodded at her. Inabutan naman niya ako ng tubig.
"Don't worry sweetie, it's just a dream. Fix your self we're going to have dinner" sambit nya. Lumabas na sya at hinayaan akong mag ayos. Nang makapag ayos ako ay nagtungo na ako sa aming dining room.
Naroon na ang kuya ko at ang parents ko. Umupo na ako sa aking upuan.
Habang kumakain ay napag usapan namin ang tungkol sa paglipat ko ng school. Sumang ayon na lang ako sa kanila. At bukas daw ako ihahatid nina mama.
"Are you sure Amber na kaya mo ng pumasok?" Nag aalalang tanong sa akin ni Kuya Zian.
"Don't worry kuya, okay na ako. Mas mabuti na yung bumalik ako sa pagpasok, atleast I can do something. Hindi yung maghapon akong nakahiga at nagkukulong dito sa bahay."
"Zian hayaan mo ng bumalik sa school si Zep, Clinton Academy is a prestigious school so sure ako na safe sya doon" sambit naman ni Dad.
Kuya Zian is always like this. Cause until now he still treats me like a baby. But I'm already used to it. At isa pa I really don't mind him, being like this to me.
Nang makatapos kaming makakain ay bumalik na ako sa aking kwarto.
Nag-impake na ako para bukas ay hindi na ako mag tatagal sa pag aayos.
*Knock-knock"
"Come in" sambit ko. Nakita ko namang si Kuya Zian pala ito, he was holding a tray with my medicines and a glass of water.
"Thanks Kuya" sambit ko sa kanya.
"Take your medicine" ininom ko naman kaagad ang mga gamot ko. "Go to sleep na Amber, I'll wait here hanggang sa makatulog ka." Dugtong pa niya
Humiga na nga ako at inayos nya naman ang kumot ko, at hinalikan ako sa noo.
"Goodnight Princess"
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Fiksi RemajaThere seems to be something missing from me.That's how I've felt since I woke up. I don't know what, who and how, it is. But all I can say there is something is wrong. But I don't know why, the people around act as if there's nothing wrong. But I wi...