Diego's POV:
Masyadong nakakagulat tong araw na ito sakin. Pano ba naman si Brie pala ay isa sa mga taong dapat kung hindi pinapakisamahan. At hinding hindi ko hahayaan na magkita pa kami sa bayang ito.
'Kasalanan nila to'
Brie's POV:
Hay naku! Panibagong araw na naman to para sakin.
Nang lumabas ako nang kuwarto ko ay nakadamit pambahay lang ako at agad kumain pagkatapos ay pumunta na nang hardin namin. Hindi naman ito gaanong kalakihan pero ayos narin to. Ako nalang ang nagdilig nang halaman namin tutal wala naman yung mga katulong.
Nang matapos ko nang diligan ang mga halaman ay pumasok na uli ako nang aking kuwarto atsaka naligo at nabihis para lumabas nang bahay. Gusto kong makita si Diego.
Nang makapunta ako sa park nang bayan. Wala akong nakikitang Diego, ni anino nito hindi ko makita. Siguro napa-aga lang ako. Wala naman kaming napag-usapan pero gusto ko lang siyang makita. Wala namang ibang malisya.
"Haisst, magtatanghali na wala parin ang mokong na iyon." Naasar ko nang ani habang naghihintay dito sa bench nang park dahil magtatanghaling tapat na pero hindi ko parin nakikita ang gusto kong makita. "Siguro dahil iyon kagabi, ano ba kasi yun? Parang ambabaw niya naman." Naiiling ko pang sabi bago na ako tumayo at maglakad papuntang bahay namin.
Nang makauwi ay ganun parin ang aking pakiramdam palaging may kulang 'sobrang nakakalungkot'. Kumain nalang ako nang tanghalian na handa nang katulong naming kababalik galing palengke.
Nag scroll nalang ako nang mga latest news sa araw na ito pero hindi ko narin naman natagalan dahil wala na ako sa mood para makiusisa pa sa nangyayari sa paligid ko.
Hindi nalang ako nag-usisa pa at natulog na kahit tanghali pa lamang.
Zzzz.....Zzzzzz....Zzzzzzzz
Naalimpungatan ako dahil sa kaluskos na nanggagaling sa sliding window nang kuwarto ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko na nasa katabing table lamang nang hinigaan ko. '11:45pm'. Dahan-dahan akong tumayo nang kama ko upang tingnan ko ang sa tingin ko ay tao dahil sa kaluskos na nalilikha nito. Hindi na bago sakin ang mga ganitong galawan sapagkat inaaral ko na ito sa ibang bansa pa kaya ganun na lamang ang tiwala nang ama ko dahil alam niyang makakaya ko naman ang sarili ko.
'psh, kahit ganun wala naman nagbago. Makasarili parin sila.'
Nang makalapit ako sa bintana ay dahan-dahan kong binuksan ang silyador nito at mukha ni Diego ang agad na bumungad sakin na ikinagulat ko.
"Oh Diego, anong ginagawa mo diyan? Gabi na ah." Bungad kong tanong pakakita ko sakanya nang maitago ang gulat bagaman madilim sa silid ko ay nasisiguro kong hindi yun nahalata.
"Ah eh, Brie. Gusto sana kitang makita. Mayroon lamang akong gustong itanong saiyo." Tanong niya nang hindi ko makita ang eskpresiyon niya dahil madilim.
"Ano yun? At talagang sa gabi mo pa ako gustong makausap ha!" Naaasar kong sabi sa kaniya dahil naistorbo niya ang tulog ko. Pinapasok ko muna siya sa bintana nang kuwarto ko at binuksan ang ilaw ng kuwarto at tinurn sa dim light nang hindi narin makaistorbo sa kalapit kong kuwarto dahil paniguradong magigising ang pamilya ko. Alam ko ang maaaring mangyari kapag nagpapasok ako nang tao sa kuwarto ko kaya nakahanda narin ako sa maaaring gawin niya. Maganda man o masama ang intensiyon niya sa araw na ito ay kailangang hindi ko ipagsawalang bahala. Hindi ako nag - aaral ng self - defense sa wala. Hindi ko pa siya kilala nang lubusan kaya hindi ako dapat magpadala nang pagkikita namin nitong nakaraang araw lamang. Babae parin ako at hindi ko kailanman kailangang ipagsawalang bahala yun.
"Eh kasi Brie!" Naiiling niyang tawag sakin.
"Pinapasok na kita kasi wala ka naman sigurong gagawing masama sakin tutal andito ka na rin naman. Ano bang itatanong mo?" Antok kong tanong sakaniya.
"Ah kasi... kasi ... Eh.. kasi Brie" nag-aalangan niya pang sabi dahilan upang mairita ako dahil sa pang - iistorbo niya sa tulog ko.
"Ano nga kasi yun! Puro ka kasi nang kasi" Naiinis ko nang sabi sakaniya. "Kung wala ka rin lang naman palang itatanong eh pwede ka nang umuwi. Nang-iistorbo ka lang naman nang tulog k.."
"Kaano-ano mo ang mga tao rito?" tanong niya sakin dahilan para pangkunutan ko siya nang noo.
'seryoso ba siya' nasabi nalang nang isipan ko.
"Ano bang klaseng tanong yan?" naiirita kong saad pa. "Hay, naku kung wala ka lang naman talagang matinong sasabihin. Mabuti pang umuwi ka nalamang. Sinasayang mo ang oras ko." Sabay ko pang pagtutulak sakaniya palabas nang bintana kung saan siya pumasok kanina. Ngunit hindi niya naman ako hinayaan na paalis siya sa pwesto niya na ikinainis ko pa kaya nagtitimpi ko siyang tinalikuran.
"Brie, sagutin mo ang tanong ko. Kaano-ano mo ang pamilya rito?" Nakikiusap at seryoso niyang tanong sakin
"Hays, Pamilya ko sila okay. Ano okay na." Irita ko na talagang sabi sakaniya dahil ayaw ko sa lahat ang istorbo sa pagtulog ko. "Kung wala ka namang itatanong na mas may kwenta pwede ba umuwi ka na lang. Umalis ka na nga" Pagpapaalis ko pa sakaniya na napagtagumpayan ko rin naman.
Ayaw ko pa naman sa lahat ang mga usesirang tao lalo na pagdating sa pamilya namin dahil mas lalo lang naman nilang dinadagan ang sama nang loob ko sa pamilya ko. Aaminin ko, anak ako sa ibang lalaki ni mama na nalaman ko pang patay na dahil nadamay sa kaguluhan ng mga basagulero kung bakit pa kasi nakialam, kaya ganun nalang ako makitungo sa iba hindi ako bukal sa iba at kulang sa aruga nang magulang kaya kakaiba ang magkapatid na iyun dahil nakuha nila ang atensiyon ko pero ayaw ko sa paraan nang pagtatanung ni Diego kanina.
Nakita ko pa ang anino niyang nag-aalangang umalis nang sa bintana ko parin siya nakitang lumabas dahil sa palagay ko na sa terrace dumaan. Kaya bumalik nalamang ako sa kama at humiga.
'Ano ba talagang problema niya sa pamilya ko'
'Diego, Sino ka ba talaga?'
'Anong kailangan mo samin?'
Yan ang laman nang isip ko hanggang sa makatulog ako.___________________________________________
Kindly read, vote and comment guys😆!
Thanks.© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomansaDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...