Natapos na ang rehearsal. Wala nang tao. Iniwan na nila ako. Wala na sila.
All that's left is me.
Everything's silent. All I can hear is the wind. And with this, I feel like I have the freedom to be the person that I used to be.
"What happened to us, Rachel?"
Well, I guess I'm wrong. May kasama pa pala ako.
"What happened to us? Was there even an 'us' Luke?" Giving an emphasis to that stupid word, "us." I answered without looking at the person that I was talking to.
"Of course, there is!"
"Huh. You know what? You're impossible! 'There is?' Wala ngang 'was' tapos ngayon magsasabi ka ng 'is'? What the hell is wrong with you?!" I shouted. Wala na eh. Wala na. Feeling ko iniwan niya na din ako. Nawala na ang lahat ng tiwala ko.
"Rachel, please. Will you please just give me this chance? Diba ikaw na din ang nagsabi sa akin dati na everyone deserves a second chance? So please, please give me this chance." Nanlumo ako. Bakit? Kasi habang sinasabi niya yun lumuluhod siya sa harap ko.
Romantic ba? Hindi. Kapag pinapanuod mo lang pala sa TV romantic tignan. Pero pag may tao nang nagmamakaawa sa harap mo para tanggapin mo ulit, napakalayo sa romantic. It's more like, NAKAKAGUILTY. Nakakaguilty kasi kahit gaano mo pa kagusto na tanggapin ulit yung tao, hindi mo na magawa. Kasi nga nasaktan ka na. Ayaw mo nang maulit yun. Sino ba naman ang may gusto, diba?
Ayoko na. Hindi ko na kaya.
"If you're trying to make me guilty by going down on you're knees, i tell you Luke, it's not working." And with that, tumalikod na ako.
****
"O babae, buka mo na yang bibig mo."
"Eh, A-yo-ko. Ano ka ba Luke, ampalaya kaya yan. Kadiri ka! Eew eew eew. That's so gross. Di mo ako mapapakain niyan!"
"Hey! I won the bet. And whether you like it or LIKE IT Rachel, you are going to eat this."
"'like it or like it?' Huh! As if may choice pa dun! Aish! I shouldn't have taken the bet! I knew na matatalo ako! Stupid me! Akin na nga yan! You know that I keep my word." Sinubo ko na yung ampalaya. Langya, ang pangit ng lasa. >.<
"HAHAHAHA. I should have brought a camera, Rachel. You should have seen your face. It was totally epic!" Ito namang si Luke tumatawa pa. He was literally rolling on the floor. Was my facial expression that awful? ugh. Stupid.
Natalo lang naman ako sa bet. Stupid me.
Ganito lang kami ni Luke palagi. Tatawa-tawa. Para na nga kaming baliw eh. Lagi din kaming magkasama. Ako mismo hindi ko alam kung bakit. Pag tinatanong ng mga tao kung kami ba, hindi ko rin alam ang isasagot. Naiisip ko nalang, "may kami ba?' o kaya naman "may future ba kami?" "ganito parin kaya kami pagtanda namin?" "hindi niya ba ako iiwan?" Mga tipong ganun yung tanong ko. Sometimes, I wanna ask him those things. Pero ayoko. Bakit? Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka magaya kami dun sa mga napapanood ko sa mga teleserye. Na baka pag sinabi ko sa kanya, mawala siya sa akin. Na baka hindi pala kami pareho ng nararamdaman. Na baka the feeling's not mutual at all. Natatakot ako. At hindi ko yun masabi sa kanya dahil sa lecheng takot na to.
Isang araw, nung nasa may river kami. Nagulat nalang ako...
"I love you, Rachel. I will. Forever."
I didn't know what to do, or what to say. Ano namang sasabihin ko diba? Baka mali pa ang lumabas sa bibig ko. Lagi niya naman akong sinasabihan ng 'i love you' kaya I shouldn't take this one seriously. Wala lang to. Kaibigan niya kasi ako. Yan ang nasa isip ko.
"Hey. I love you. Not just as a friend, Rachel. I love you. I--I just know. Please tell me you feel the same way too."
I felt my heart skip a beat. I didn't know what to say. Wala akong maisip. I was thinking for the right words. I guess I was overthinking. Hindi ko namalayan na ang nasabi ko pala, "Ha? Ewan. Hindi ko na alam." Umalis ako. Ewan. Bakit yun ang sinabi ko? Bakit ako umalis? Was I overwhelmed that much na mga maling salita na ang lumabas sa bibig ko?! Stupid!
Two days after the incident, I tried looking for him. I tried calling his phone pero wala. Yung telephone sa bahay nila sinubukan ko na rin pero sabi ng nanay niya umuwi daw sa probinsiya. Pag tinatanong ko yung iba niya pang mga kabarkada, hindi rin daw nila alam kung nagbago ba siya ng number o kung ayaw lang daw ba talagang magparamdam. Oo na. Kasalanan ko na. Ako na nga ang bobo at tanga.
Two months passed. Natapos na rin ang summer vacation. Siguro naman makikita ko na siya ngayong araw ng pasukan? Imposible namang hindi kasi nasa iisang school lang kami.
Well, I was right. I saw him. I saw him with another girl. With matching holding hands pa. It turns out na yung schoolmate namin na girlfriend niya na daw ay galing din dun sa probinsiya kung saan siya nagbakasyon. Magkababayan pala sila.
Sa liit nga naman ng mundo, kahit anong iwas ko sa kanya, pinagtagpo parin kami. Nawala nanaman lahat ng mga nakatagong salita sa kukote ko. Nawala nanaman sila na parang bula.
"O Rachel, kamusta?"
"Nasaan na ang forever, Luke? Ano ba yang forever mo? 2 months and a couple of days? Nasaan na Luke?" Hindi ko alam pano ko nasabi yun. Siguro.. ewan. Hindi ko na alam. Basta nasabi ko nalang.
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
"Hindi ko alam, Rachel. Siguro kasi nalate ka na."
Tumatak yan sa isip ko. Siguro nga kasi late na talaga ako. Nung araw sa may river yung due date. Pero after two months ko pa pinass yung dapat na pinass ko na noon pa. Late na nga kasi.
"Everyone deserves a second chance, Luke. Pwede ba akong makakuha nun sayo?" I said. Trying to gain hope from my own words. Pero wala. Tumalikod na siya. Late na nga talaga ako. Wala na. Iniwan na niya ako.
Nung naghiwalay sila ng girlfriend niya nun, nakakuha ako ng konting hope. Na baka pwede pa kami. Na baka kami pala talaga. After three months since their break up, I tried talking to him. Pero he won't let me get into his heart. He won't let me through. Akala ko baka it was because of the pain caused by their break up. Pero hindi eh, kasi nagkaroon din siya ulit ng girlfriend. At girlfriend. At girlfriend. Pagkatapos ng isa may bago nanaman. Pero kahit ganun, mahal ko parin siya. Minsan naiisip ko sana kahit maging isa nalang din ako sa mga sunud-sunod na naging girlfriend niya. At least sila nagkaroon ng chance.
Pero napapagod ang tao. May limitasyon tayo. Isang araw nagising nalang ako na pagod na sa kabubuntot at kasusuyo sa kanya para mapansin niya ako ulit. Siguro hindi niya nalang to trip trip. Totoo na to. Kailangan ko na magising. Kasi wala na. Hindi na talaga. Wala na akong pag-asa.
Seven years na. Isa na akong theatre actress. Ang pangarap ko naabot ko na. Pero siya hindi pa rin. Pagod na din ako. Kaya I promised myself na wala na talaga.
****
"Late na din ba ako, Rachel?"
"It's been seven years, Luke. Get over it. And oh. After ng marami mong girlfriend babalikan mo ako? Ano ako, tapunan ng basura ng mga ex mo? Ang kapal lang Luke!"
"Look, Rachel. Alam kong mali ako. Kasi after I denied you and all for the past years, ngayon lang kita ulit binalikan. Pero please? Pwede bang ako nalang ulit? Tayo nalang ulit?"
Ewan. Di ko na alam. Parang lahat ng pinangako ko sa sarili ko nawala. Parang gusto ko nanaman subukang sumugal. Tama ba to? Tama ba ako? Mali ba? Basta ang alam ko, bobo't tanga nga talaga ako.
"Magmemake-up pa ako. Malelate na ako sa show mamaya. Tsaka isa pa, sobrang late ka na. Late na tayo. Late na para ngayon lang natin pag-usapan to.
Pero naisip ko, kahit ganun... Kahit late, pwede pa naman diba?"
May tumulong luha sa mga mata ko. Then a smile started to form on my face. Ganun din sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2492809-288-k244086.jpg)
YOU ARE READING
Am I Too Late? (One-Shot Story)
Teen FictionSometimes, we wait too much for the right time. Not thinking that the right time starts now.