Matagal tagal ko na din hindi nabubuksan fb ko, busy kasi ako sa.... well wala naman talaga ako pinag kaka busyhan maliban kay lola.
simula kasi nung nalaman kong may sakit si lola hindi ako nag dalawang isip na bumalik dito sa states, pero nang pag balik ko dito sya na din nag sasabi ulit sakin na "bakit ka bumalik?, sinabi ko naman sayo bigyan mo nang time ang parents mong makasama ka diba apo?"
wala eh... maka lola lang siguro ako... hindi ko alam, siya lang kasi nag bigay sakin nang importansya na hindi ko makuha sa parents ko dati
sabagay unti unti na din naman nag kakaron nang halaga sakin ang Pilipinas hindi ko lang kasi dati pinag tuunan nang pansin dahil alam kong nasa tabi ko naman mga taong importante sakin at nag bibigay oras.
Pag bukas ko sa fb scroll lang ako nang scroll nang walang katuturan, maliban sa mga iilang tag photos na nakita ko sa news feed ko.
"Mukha naman maayos ka eh" bulalas ko nang makita ko yung mga photos.
Naka black sya mukhang enjoy na enjoy, easthetic mga kuha... may mga kuha na naka ngiti sila tabi tabi nanv mga kasama nya, may kuha sila na naka tagay, may kuha din na iilang mga lalaki na kasama nila.
Dahil na curious ako tinignan ko pa mga photos na naka tag sakanya binuksan ko, hindi naman sinasadya dahil nakita ko naman lahat... nagawi naman ako sa mga comments
May mga ngilan ngilan akong nabasa na
Comment box
"last sagaran guys pasukan na next week kita kits""Shet andyan kayo? Hindi namin kayo nakita andyan din kami kagabi"
Mga ganun comments pero pumukaw sakin yung isang mention sakanya
"Pero iba talaga tong kaybigan natin si Maxine eh... may kausap sa labas nang bar, pak na pak mga be gwapo!"
Sumagot naman si Max nang "haup kayo! Mga mang iiwan"
"Wow kung hindi ka namin iniwan hindi ka mag kaka momment"
"Moment nyo to" reply nya.
"Ah...." yun na lang naibulalas ko.
Sabi ko nga mukhang masaya naman sya.Nag bukas ako nang messenger ko, dahil nakita ko medyo marami rami notifications
Tinignan ko muna sino mga nag message sakin yung iba mga group chat sa school namin na hindi ko naman tinitignan dahil madalas ako mag reply sa messages, nakita kong may message sakin si Ariel... ano nnaman kaya to?
From: Ariel
"Saw her again men sobrang lasing nya... buti nakita ko kaagad dami umaaligid" tapos may kasunod pa na
"When will you coming back?"
Sent 3hrs agoSo siya siguro nakita nung mga friends ni Max na kasama nya. Medyo nainis ako hindi ko alam bakit... feel ko kasi bakit bigla syang nag ka interes kay Max.
Nag reply naman ako
"Why?" Sa dinami dami kasi nang gusto ko tanungin dito sa bwisit na to, why na lang na isend ko.Hindi ko naman inaasahan mag rereply sya kaagad.
"I feel that she's waiting for u... kung pag hihintayin mo siya sa wala Alex tigilan mo na"
"Look ayoko mag bigay nang concern but you left her Alex! without telling anything kung kamusta kana, kamusta si lola... taena hindi ko talaga ineexpect mag ccross landas namin nang Max mo"
"And yet why do i have this feeling na kaylangan ko sya bigyan nang comfort dahil sa mga decisions mong mali"Hindi ko alam sasabihin ko... sabihin na natin sa iilang filipinong kakilala ko dito sa states isa na si Ariel pinag kakatiwalaan ko, kahit na gagago gago sya naging kuya ko sya, 2yr lang kasi gap namin. Simula pag dating ko sa states sya na sinusundan ko hindi dahil na bully ako or what... its just that he stands out and his a filipino.
Gusto ko sanang itanong kung ano dapat kong gawin, hindi naman ito unang beses na may napalapit saking babae pero kase mas tumatak sakin si Max. Kaya lang ang bobo ko na bbwisit ako
"Do you like her A?" Yan ang na reply ko
"Ang tanga mo ang bobo bobo mo Alex" sabi ko sa sarili ko. Sa lahat nang pwedeng itanong yan pa tinanong mo
Nakita ko na lang reply ni Ariel
"Fck u dude"
"forget it, ayusin mo utak mo Alex..., alam kong gusto umuwi nang lola mo dito, get your shit up!" Naka titig lang ako sa message ni Ariel.Hanggang sa napansin ko na lang na online 1min ago na siya.
Fck! Yun na lang nasabi ko sa hangin.
Tanga tanga ko, all this time kasi ang alam ko lang naman tumakbo, takbuhan problema ko sa parents ko, takbuhan mga tao sa paligid ko.
Nag back ako ulit sa list nang mga taong nag message sakin nasa chat box pa kasi ako ni Ariel, hanggang sa napansin ko yung last na gusto kong makita sa message list ko
From: Max
Kamusta?
6hrs agoSame time din to nung nakita ko yung tag photos sa fb nya.
Napaisip na lang ako sa message sakin ni Ariel....
Ganun ba talaga kalasing tong babae na to? Naunahan po ko imessage sya... nagagawa nga naman nang alak.
To: Max
"Miss mo nako?" Layo nang reply ko sa tanong nya hahaha.