Hugas dito, hugas dyan, luto dito luto dyan! Bakasyon na kasi kaya imbes na libro ang hawak ko, eto spongha at dishwashing liquid tong himas ko. Pasado alas singko y medya ng umaga madami ng kumakain sa karinderia namin.
"Hello, sir welcome po sa LuTwoYeon bibili ka po ng ulam? Kakain ka po? Meron kaming adobo, kaldereta, paksiw, bicol express, at ang specialty namin na cheese kimbap!"
"To namang si Sana, Dahyun na lang kasi itawag mo sa'kin. Para namang 'di ako araw araw dito nagkakape."
"Ehhh Sir Dahyun sabi ni Mama igalang daw po ang customer na magalang e"
"Manong bibili ka ba? Kung hindi, tumabi ka dyan kasi gutom na ako." bruskong pagkakasabi nitong matangkad na empleyado ng katapat naming gusali.
"Hoy anong manong! Bata pa ko ha! Hindi porket matangkad ka 'di kita papatulan" sagot naman ng maputlang tsuper ng taxi. "Gusto mo malaglag yang panga mo?"
"Hoy bayolenteng bubwit, nakikipaglandian ka pa kasi dyan e madami na kaming nagugutom dito. Di ka na nahiya, madalas ka nga dito panay 3 in 1 lang naman binibili mo!"
Lumabas si Mama sa kusina kasi nga lumalakas na yung boses nila, "Hoy Tzuyu, Dahyun! Ano na naman yang ingay nyo? Mabuti pa ko ng monay yang mga bibig nyo."
"Kumander Nayeon, tingnan mo naman yang ugali ng customer na'to sobrang yabang! Hinahamak ang 3 in 1 na kape na tinimpla ng ubod ng gandang nyong anak. Di naman ako papayag nyan boss. Kala mo ubod ng ganda ng ugali kung magEnglish! Hoy wala ka sa Taiwan!"
"Eh ano kung magEnglish ako, may problema ka ba dun? Ikaw nga mukha kang ginulat na labanos hindi naman ako nagrereklamo ah!"
Napaumis na lang ako sa ginulat na labanos. Eto kasing si Dahyun daig pa ang lumalaklak ng gluta sa labis na kaputian.
Tawanan na naman dito sa karinderia gawa nitong dalawang to. Tanggal pagod ko sa paghuhugas sa tuwing maririnig ko yung mga suki namin na hagalpak na sa pagtawa. Sabi nga ng mga tindahan sa tabi, daig pa daw ang may patupada dito.
"Yunnam, anak yung mga pinggan!"
"Ma, saglit lang pinupunasan ko na 'po."
"Sige pagkatapos mo dyan, punta ka kina Mina. Padeliver ka ng 2 case ng softdrinks dito, baka maubusan tayo ng stock"
"Yes, Ma!"
Bago ako umalis, nakasecond round na 'tong si Tzuyu. Pangalawang kape na din ni Dahyun at eto namang si ate nangangamusta sa mga suki namin.
YOU ARE READING
Caring-deria (Twice X Yunnam Tagalog Oneshot)
FanfictionAng Istorya ni Yunnam at ng LuTwoYeon Eatery.