Prologue

12 0 0
                                    

"Malapit na naman 'yung pasko, Ivy." nginitian ko lang si Simone nung pagkabanggit niya.

Ilang taon na rin yung nakalipas. Hanggang ngayon wala ka pa rin.
"Alam ko namang malungkot ka, Ivy. Hindi mo na kailangang itago yung mukha mo sa buhok mo." tawa-tawang sabi niya. "Alam mo panira ka ng moment." biro ko naman sa kaniya.

Hanggang ngayong pasko pa rin ba, aasa pa rin akong darating ka?

" Minsan iniisip ko  rin kung totoohanin niya ba yung sinabi niyang babalikan niya ko." ngiti ko kay Simone. "Baka mamaya umaasa lang ako sa wala." dagdag ko pa.

"Alam mo? Smile na." He put his left and right thumb on the corner of my lips and force me to smile. " Kahit totoo o hindi,  Kung mahal mo maniniwala ka 'diba?" nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Oh?! Why are you two girls doing there? Tara na! Noche Buena na!" sabi ni Mama at nakaitingin sa'min ni Simone.
" Nag uusap lang naman kami, Ma" paliwanag ko. " Hindi naman kami aalis." pilit kong tawa.

Habang kumakain  at tinitikman lahat ng inihandang pagkain sa lamesa. Lahat ay tumatawa sa mga iba'tibang usapin nila, sila Tita at Ninang ay nag uusap tungkol sa grades ng kapatid kong si Henry. Si Mama naman ay pinagmamayabang na nagkaroon ako ng award dahil sa mataas kong grado. 

Sana all masaya.

Naalala ko na naman yung tuwang - tuwang si Clyde sa mataas kong grades na math kasi doon yung pinaka subject na mahina ako, pero mas nakakahina kung yung nagpapasigla sa'yo araw araw ay hindi nagpapakita sa'yo.

"Woah, 98 sa math? I'm a proud teacher." natatawang sabi sa'kin ni Clyde.
" Hindi naman ganyan magiging grade ko d'yan sa subject na 'yan, kung wala ka." sabi ko sabay ngiti. 
"No, don't say that, Ivy. Even without me, alam kong kaya mo rin." sabi niya sa'kin

"Hoy" tawag sa'kin ni Simone. " Nakatulala ka d'yan?."
"Ano ba," sabi ko, naiinis.
"'Wag mo kasing titigan lang yung liempo, Ivy. Hindi naman nakikipaglaro sa'yo ng staring contest 'yan." biro niya pa.
" Haha, " peke kong tawa sa biro niya.
"Tigilan mo na kasi 'yang Clyde mo." irita niyang sabi. " As if, babalikan ka niya kakaisip mo sa kaniya." 

" Anong Clyde?" biglang napunto sa amin ang atensyon ni Mama.
"Ay tita, ito po kasing si Ivy, puro Clyde ang nasa isip eh" ngiti niya kay Mama.

Putangina, pahamak ka, Simone.

"Oh, where is Clyde nga ba, nak? I haven't seen him a long time na. Break na ba kayo?"

Gusto ba 'kong palungkutin ni Mama ngayong pasko?

"Ano ba namang tanong ' yan, Theresa!" suway ni Tita kay Mama
" Sinong Clyde ba 'yan, ija?" tanong sa akin ni Ninong Esmael.
" Yung pinakilala ko po sa inyo noong 2018, Nong." sabi ko.

" Ay ayun? Parang nakita ko siya nung nakaraang araw may kasama ah, hindi ba kayo nagkikita?" tanong niya.

"P-po? Sino po kasama?"

" Hindi ko kilala, Ivy. Babae 'yung kasama niya."

At pagkatapos noon, hindi ako nakakain nang maayos kaninang noche buena. Sinubukan kong i-text si Clyde ngunit hindi siya nag-reply.

To: Clyde

Clyde, bumalik ka na ba?

To: Clyde

Nakita ka daw ni Ninong.


Ilang linggo ang nakalipas at kinabukasan ay bagong taon na. Hindi pa rin nagrereply si Clyde. Nanatiling nakalagay sa iMessage ko ay Delivered.

Hindi nga niya binasa.

Nagbuntong-hininga nalang ako at nakadama ng lungkot. Habang naglalakad ako sa palengke, bumili ako ng ilang bilog na prutas dahil 'yon ang tradisyon ng aming pamilya kapag magba-bagong taon. Limang prutas palang ako nabibili ko, kaya naghahanap pa ako ng pito o higit pa.
Swerte kasi 'yon, ewan ko ba.

Habang naglalakad ako, mayroon akong nakabunggo na lalaki. Pamilyar ang mukha niya at pananamit. Naka- Adidas shirt siya at maong pants.

"Hey, watch where you're-." putol niyang sabi.

" Nakauwi ka na pala." ngiti kong sabi at nilampasan ko siya.

Natigilan ako sa aking paglalakad nang humawak siya sa braso ko at pinigilan akong umalis.
"Hey, wait." sabi niya. " I'm sorry." dagdag pa nito.

" Sa pagbunggo sa akin? Wala 'yon." 

"No, not that." umiling siya. " I'm sorry, I didn't update you." sabi niya.
" Also, I-"

" Hey, Babe!" sabi ng babaeng pinalibot ang braso sa kanang braso ni Clyde na para bang ayaw itong pakawalan. Naramdaman ko agad yung kirot sa puso ko.

" Girlfriend mo?" tanong ko.
" Sorry, " sabi niya lang at nginitian ko lang siya, pagkatapos non ay umalis na ako, pinipigilan ang luha ko.

Fuck you, Clyde. Fuck you.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When A Captain SpeaksWhere stories live. Discover now