KABANATA 5

17.2K 515 38
                                    

[Third Person]

Sa bilis ng pagmamaneho ni Christian ay agad niyang narating ang kinaroronan nina Athena. Nang magkita sila ng kapatid ay panay ang sorry nito at bakas sa mukha ang labis na kaba. Christian being the most serious brother, he didn't utter a word. Seryoso niya lang itong tinitigan nang masama at sinenyasan na pumasok sa kotse. Natakot lalo si Athena sa galit na itsura ng kaniyang kuya, pero aminado naman ito na kasalanan nila ng kakambal.

Malakas na tugtugan at mga nagsasayawan ang sumalubong kay Christian. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kapatid ngunit sa dami ng mga tao at sa dami ng makukulay na ilaw ay nahirapan siya. Sa kaniyang patuloy na paghahanap ay isang babae ang hindi niya inaasahang makita.

The woman who made his bus trip from Sorsogon very unforgettable. She's wearing a black sleeveless top and a fitted leather skirt. She looks so gorgeous with her outfit, but she seemed like totally wasted. Binuhat ito ng isang lalaki at literal na binibigyan ang mga ito ng daan ng mga tao. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kaniyang utak at hinarang niya ito. Marahil ay ganoon na lamang ang kawalang tiwala niya pagdating sa mga lalaking nasa bar. Lalo na't may mga kapatid siyang babae.

"What happened to her?"

Nagtaka at napahinto ang lalaki sa kaniya. "Sino ka?"

Lalong kumunot ang noo ni Christian. "Sino ka rin? Saan mo dadalhin si Adara?"

"Lasing siya at sinundo ko para iuwi. Teka pare, sino ka ba? Kilala mo ba ang girlfriend ko?"

Saglit na napahinto si Christian dahil mukhang nag-o-over react na naman yata siya. Pero hindi pa rin maalis ang pagdududa niya sa lalaki. And he, being in the field of investigation, he asked what must be asked. "I'm a friend of her. How can I assure na girlfriend mo nga si Adara? Give me proof," he said in a very serious tone na tila ba'y nasa kalagitnaan siya ng imbestigasyon ng isang kaso.

"You can check my wallet at my back pocket."

Kinuha ito ni Christian habang mataman na nakatitig dito na para bang sinasabi ng kaniyang mga mata na subukan mong magsinungaling at may kalalagyan ka.

Binulatlat niya ang pitaka nito at nakita nga niya rito ang larawan ng dalawa na magkasama. May nakasulat na Eli & Adara 2016 sa likod ng litrato. Pinakatitigan niya ito. May boyfriend na nga pala talaga siya. At base sa picture nila, matagal na silang magkasintahan.

Hindi namalayan ni Christian kung gaano na siya katagal nakatitig sa larawan.

"Kuya!"

He finally snapped back to his senses when he heard Althea's voice and saw her running to him. His sister is wearing a familiar dress of their mom. Bumalik sa pagsasalubong ang kilay ni Christian at ibinalik ang pitaka ng lalaki. Ngunit bago siya makapagsalita ay dumeretso na itong naglakad palabas ng bar.

"Kuya, sorry. You know naman 'di ba may sinusulat akong libro. Eh may eksena kasi na nasa bar. Paano ko masusulat kung hindi ko alam how's it to be inside a bar? Saka kay Tito Jasper naman 'to. Nagpatulong ako sa kaniya and look oh," tinuro nito ang dalawang bouncer na nasa magkabilang side niya. "He gave me 2 bodyguards. Kasi magagalit daw si Daddy pag nalaman niya. Wag ka na magalit Kuya ko, please?"

Patuloy sa pag-e-explain si Althea hanggang sa makalabas sila.

"You could've just done a research. Sana nagtanong ka na lang kina Tito Jasper, Tito Kevin, Tito Dennis, Tito John, Tito Kris, or even to Dad. Mga laman ng bar ang mga iyon noong kabataan nila. There are lots of other ways to do your research," iritadong sagot nito habang naglalakad sila patungong parking space.

"But Kuya, iba kasi kapag ako mismo ang nakakita kung ano'ng meron sa loob. You were not born kasi to be a writer kaya hindi mo ako maintindihan. Can you try putting yourself in my shoes?"

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon