6:00 PM
"Babe, punta lang ako kina Alliyah" pagpapaalam sa akin ng jowa ko, I stared at him and raised my eyebrow, kina Alliyah nanaman? I understand na bestfriends lang sila kaso parang ewan, hays ayoko namang pagdudahan yung jowa ko
"Kina Alliyah ka lang ha? Wag kang magpapagabi at wag kang mambababae" yan na lang yung lagi kong linya kada nagpapaalam siya na pupuntahan niya si Alliyah or Kian, I wanted to stop him pero di ko ginagawa kasi baka masakal siya sakin
"Yes naman babe, ikaw lang sapat na, I love you" malambing ang pagkakasabi niya, bagay na nakakapagpangiti sakin dahil ang cute ng boses niya
"Osyaaa magi-ingat ka" sabi ko, agad naman siyang lumapit sakin at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi bago umalis
10:30 PM
"Babe, san ka na? Anong oras na huy! Uwi ka na"
"Babe, bat di mo sinasagot mga calls ko? Busy ka ba?"
"Babe naman e naga-alala na ko sayo mag reply ka naman :< "
"Babe I miss you, uwi ka na dito"
"Babe, tinext ko si Alliyah wala ka na daw sa kanila"
"Babe asan ka"
"Babe sabi ni Alliyah 7:30 ka daw umalis sa kanila"
"Babe asan ka ba?"
"Babe"
Halos hindi na ako magkandaugaga kaka chat kay Clark, nakuha ko na ding itext lahat ng mga tropa niya sa pag-asang baka nandoon siya pero wala, kahit kina Kian wala din siya
Sinubukan ko siyang tawagan pero un-attended siya, naka ilang missed calls na ko pero wala talaga, shet asan ba yung lalaking yun?!
Nagpapanic na ako ng bigla na lang tumunog yung phone ko, the text was from my bestfriend ashley
"Ella, anong itsura ni Clark?" yan lang yung message sa akin ni Ash kaya nagtaka naman ako, I mean ilang beses niya na ding nakita si Clark so why would she ask me kung anong itsura niya?
"Ha, hindi ba nagkita na kayo noon?" reply ko na lang pabalik sa kanya, ilang minuto pa nag ring yung phone ko
*Ashungot calling*
"Hello Ella?"
"Oh Ash napatawag ka?"
"I was only wondering, anong itsura ni Clark?"
"Why? Nagkita na kayo noon diba?"
"Yeah pero kasi..."
"Kasi?"
"Andiyan ba si Clark sa condo mo?"
"Ha? Wala kanina ko pa nga hinahanap e, wala din sa bahay ng mga tropa niya, bakit?"
"Ella, You know Rossy Restaurant right?"
"Yeah, dun ako dinala ni Clark when we had our first date, why?"
"Andito kasi ako sa labas ng Rossy, Ella you have to come here"
"Why?"
"Basta Ella dalian mo"
*end call*
Hindi ko maintindihan si Ash, bigla bigla ba naman akong papuntahin sa Rossy, ano ba kaseng meron ha?
Unlike other malls, Indezia Mall is open 24/7 and hindi uso sa kanila ang holiday, kahit pasko or new year naka open pa din sila
Dahil na din sa pagtataka kung bakit ako pinapapunta ni Ash ay nagbihis na lang ako, it's already 11:00 nang matapos ko lahat ng mga dapat kong gawin at makapag ayos man lang ng kaunti bago pumunta sa mall