Rosas. Madaming nag kalat na mga petals ng mga rose dito sa nilalakaran ko papuntang classroom.
Wag nyo kong tanungin. Di ko din alam.
Hindi naman araw ng mga puso ngayon, pero marami talagang nag kalat na petals ng mga rosas dito e.
Ewan ko pero feeling ko para sakin 'to. HAHAHAHA.
Ako si Hilary Gail. Isang 2nd year masscom student.
Habang nag lalakad ako, hindi ko mapigilang mapangiti. Baka mag ppropose na sakin yung crush ko? Tatanungin nya ako kung pwede ba kaming mag pakasal.
Pero teka? Kasal agad? Agad agad? Siguro naman kung pwede lang muna maging girlfriend. Ay nako! Luluhod palang sya, O-oo na agad ako. :">
Nabigla na lang ako nung biglang may nag gitara sa may speaker na naririnig sa buong campus.
(Play nyo ---------------->)
♪ Dance with me tonight, be my lady.
Our center of attention alone
And the night is ours ♪
Nabingi na ako sa mga sumunod na lirikong kinanta nya. Pati narin sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ang tanging naririnig ko na lang ay yung lakas ng tibok ng puso ko kasabay ng tunog ng gitara nya.
*dubdub*dubdub*
Bakit ganito? Anyare? Napalunok pa ako.
TOTOO BA NA PARA TALAGA SAKIN YAN? EH KASI NAMAN SI CRUSH YUNG KUMAKANTA SA SPEAKER!!!!!
Ok lang sana, kung sa radio e!! Kasi malay mo naman, bigang sumikat si crush at naimbintahan sa isang sikat na radio station at pinakanta don. Pero hindi e!! Dito lang sa speaker na naririnig sa buong school namin!!
Lalo tuloy lumalakas ang pananampalataya ko na para sa akin yan!!
Crush!! Ok lang naman kahit hindi na bonggang proposal e. Kahit naman paano, kailan at saan, sasagot parin akong oo, basta ikaw ang mangliligaw sakin. :">
Nga pala! Hindi nyo pa nga pala kilala yung crush ko. Siya si .... Ayoko nga ishare sayo! Mamaya ipagkalat mo pa e! Hmp. HAHA. Joke lang. Okay lang na ipag kalat mo, mamaya kami na rin naman. MWAHAHAHA! =))
Sya pala si Francis Delos Reyes. Classmate ko na sya since 1st year HS. Diba? Bongga? Ginaya at sinundan nya pa kung saan at kung ano ang kukunin kong course? Sabi senyo e. :"">
Tiwala lang mga pards!
*beep beep beep*
Fr: Alain
Hil! San ka na? Haha. Pasok ka na dito sa room. =))
WAAAAAAAHH!!! Nag text yung bestfriend ni crush!! OHMY. Nako, pati ba naman si Alain, kasabwat nila dito? :">
Tatakbo na sana ako papunta sa room, kaso naalala ko, kumakanta nga pala si crush. Edi ok lang, babagalan ko na lang muna. Namnamin. :"">
♪ Baby, we're slowdancing
Together at this moment, I see myself in your eyes
Baby its amazing
How did I get such an angel with me tonight ♪
Emeghed. Naiimagine ko nag sasayaw kaming dalawa, tapos binubulong nya sakin yan. :"">
Habang feel na feel ko ang mabagal na paglalakad ko papunta sa classroom e, nagtitinginan sakin yung mga ibang studyante. Ba't kaya?
Baka nalaman nilang para sakin yung kanta ni crush! Ehmergheeeeeeeed!!! Sige lang, mainggit kayo. HAHAHAHA. Eh ikaw ba naman gawan ng ganyan eh. Tapos ang gwapo gwapo pa. San ka pa? :"">
Mwahahahahaha!! Haba ng hair kezz. =))) Lalong lumalakas yung music. Malapit na kase ako sa room. Malapit ko na ring makita si Francis na kung todo kanta para saken. Hahahaha. Kinikilig talaga ako.
Pagdating ko sa classrom namen,
para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang sakit. <//3
SOBRA!! <//3
Si Francis.
Si Alyana yung kinakantahan nya.
Nag sasayaw pa sila habang yung isa sa mga barkada nya nag gigitara tas si Francis yung kumakanta.
AKALA KO TALAGA PARA SAKIN, yun pala hindi. May nag sabi kasi sakin na crush daw ako ni Francis.
Bull! Kung sino man nag sabi non sakin, pakyu sagad. >:|
At alam nyo kung ano pa yung pinakamasakit? Yung mortal enemy mo pa yung gusto nya. Ok lang sana, kung nag assume ako o kung ano. Pero yung kay Alyanna pa? Sht.
Nakita kong tumingin tas ngumiti sakin si Alyana. Nang-aasar sya? Huh, the hell I care. =_______________=
Tumalikod na ako at umalis sa classroom. Baka kasi maiyak pa ko at ako'y pag tawanan lang nila. Bullshit. Badtrip ha?
"Oy, saan ka pupunta?" tinignan ko yung humawak sa braso ko.
Si Miguel lang pala. Dapat suntukin ko 'to e. Pinaasa nya din ako e. <//3
"Ah? Ano?" wala kasi akong marinig. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e.
"Sabi ko kung san ka pupunta. Ok ka lang ba?"
"Syempre...." hindi....
Kumuha ako ng isa sa mga rosas na nagkalat dito sa hallway. PAPER ROSES. Ng dahil sa paper roses na to, nag-assume ako ng bongga. :( Pinunit ko yung rosas. Bitter ako! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Note to self: NEVER ASSUME.
Masasaktan ka lang ng bongga. :( Mag-sama sila ni Alyana. Manglalalake na lang ako. MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA. Kfly. :*
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The End. :)
All Rights Reserved.
(c) mapapelnabolpen
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionAng mag assume ay meron din namang nagagawang magagandang pangyayari. Pwedeng maging happy ending, pero syempre pwede ring hindi. Sino ba ang may alam? Walang nakakaalam nyan. Depende parin kung kakampi mo si tadhana. =))))