I'd rather have bad times with you
Than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm
Than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together
Than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart.I'd rather- Luther Vandross
Shit. Kaninong soundtrip ba yan? Damn. Di ko pa din dinidilat ang mata ko, dahil sa sobrang antok ko. At sino namang korni ang nagpapatugtog. Tang*na!
"Who holds my heart!!! Yeahh!" Sinabayan pa ang kanta tibay. Iniangat ko ang ulo ko. Nasa school ako ngayon, dahil sa sobrang puyat ko kagabi. Natulog na lang ako sa break namin. At kapag kulang tulog ko, masama ang timpla ko. Tumayo ako at nag unat ng kamay.
"Sino yun?" Maangas na sabi ko. Ginalaw galaw ko pa ang ulo ko na para mawala ngalay ng batok ko.
"Now he's dead. Patay ka ngayon Luke." Rinig kong sabi ng katabi ko.
"So who's Luke?" Tinignan ko pa yung babaeng nagsalita kanina.
"Me!" Then may tumayong lalake. Matangkad siya, at may itsura. No di lang may itsura, ang gago ko naman kung sasabihin kong panget to. Sige na, he's hot.
"Sino ka para mag ingay dito?" Kalmadong sabi ko at nilagay ko isang kamay ko sa bulsa ng palda ko.
"I will do what I want inside my father's school." Pagdiinan mo pa na kayo may ari neto. Dahil kung tutuusin, kaya kong bilhin buhay mo.
"Do I look I care?" Wala pa ring expression ang mukha ko.
Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Then I smirked.
"Kung sa simpleng banat ko badtrip ka na. Wag mo nang hintayin pang bumanat ako ng todo dahil pwede kang mamatay dahil lang dun." At tumalikod na ako. Naghawian ang mga tao sa paglalakad ko. Umakyat ako sa rooftop at doon nagpahinga. Umupo ako sa pasimano habang nakatunghay sa field ng school na to. Kinuha ko ang sigarilyo sa bag ko at nagsindi. Hinayaan kong lumipad ang palda ko, dahil wala namang nakakakita sakin.
Pag ubos ng yosi ko, bumaba na ako at dumidecho sa room ko.
"You're 30 minutes late Miss. Brazas." Dumirecho ako sa upuan ko at nakadekwatrong umupo at tutok na tutok sa board.
"Carry on Sir." Walang ganang sabi ko at nagsenyas na ituloy ang sinasabi niya.
Anyway, I'm Irish Kate Brazas. Kung bakit ako ganto. Galit ako sa mundo sa lahat ng tao.
Discuss
Discuss
Discuss
Dismiss.
Calling..
Miss Minshin
"Hello."
"Ahh yung papers? Nasa office ko. Cancel my appointment to Miss Nishigami. I'm tired today."
"Okay thanks."
Then I hung up. Yes I'm a business woman at the age of 18. Why? I don't know.
"Hoy!" Siya na naman yung lalake sa canteen.
Tinitigan ko lang siya. Ano naman kaya kailangan netong lalakeng to.
"Ano tinitingin tingin mo?" Tanong niya pa sa akin and then I smirked.
"Tanga tangahan tayo Mr. Luke Francisco? You call me so I look at you. Then tatanungin mo kung ano tinitingin ko? You're senseless." Lumakad ako sa harapan niya at di na sya tinignan.
"You." Humarap ako sa kanya at dinuduro pa niya ako ng kamay habang nanlalake ang mata at butas ng ilong sa galit.
I look at him then I crossed my arm. Imagine mo na lang.
"Yes?" I response.
"Pagbabayaran mo to!"
"Go on." Senyas pa ng kamay na hinahamon siya.
"So, excuse me. I'm a busy person and nakikipag usap lang ako sa mga taong importante, di tulad mo na walang kwenta." then tumalikod na ako.
Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at mabilis na umuwi sa condo ko.
Bababa palang ako ng may naanigan akong mga taong naka itim at tila nagmamasid kung saan saan. 7:30 na kaya medyo madilim.
Mabilis ako na bumaba. Dahil madilim at nakasuot ako ng black shirt. Dahil pag naka uniform ako nakapatong na lang yung uniform ko sa damit ko.
Dahil feeling ko di nila ako napansin. Mabilis akong nakapunta sa likod ng isang lalake.
"Sir, wala pa po dito si Miss Brazas." Kausap nung lalake sa katabi nyang lalake.
'Ako pala kailangan ng mga herodes na to'
Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko.
"Shit!" Wala sa sariling sabi ko.
"So, its been a long time Irish. Tagal mong di nagparamdam ah. Pagkatapos ng pagpapahiya mo sakin sa campus ay makakalimutan ko na ang atraso mo sakin? The fuck!" Shit. Si Miko, siya yung napagtripan ko nung third year highschool at dahil sa pagpapahiya iniwan siya ng 3 years girlfriend niya.
"Ahh. Hanggang ngayon di mo pa rin nakakalimutan ang pagiging corny ng girlfriend mo? At excuse me Miko, ikaw ang nauna sa lahat. Kung di mo pinagkalat ang pagkatao ko, di ko gagawin sayo yun."
"Tanggalin mo ang kamay mo sa pagkakakapit sakin, dahil alam mo kung paano ako magalit."
"E gago pala to e. Nakakalalake ka na!" Akmang susuntukin nya ako pero naunahan ko siya sa pagsuntok. Ending nakabulagta siya.
"Ang tigas ng mukha mo! Dahil sa katigasan ng mukha mo, nagawa mong saktan kamao ko!"
Pinunasan niya ang dugo malapit sa gilid ng labi niya.
"Isa pang paglapit sakin at pagtangkaan ako, buhay mo na ang mapapahamak."
At umakyat na ako sa condo ko.
End of Chapter One
Thanks.