I Love You

58 4 1
                                    

This is a Work of Fiction,Names,Characters,places,and events are fictitious,unless otherwise stated.
Any,resemblance to real person,living or dead,or actual event is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced,distributed,or transmitted in any form or by any means,without the prior permission of the Author.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!


______________________________________

Lyka's Pov

Naandito ako ngayon sa school.Nagpapractice.Dahil sa nalalapit na graduation ng 4th year highschool.Oh Btw I'm Lyka Lazaro 16 years of existence.

Papunta pa lang ako sa school ground,dahil kanina pa sila nagpa-practice.Samantalang ako paeasy-easy lang,haha.(evil laugh)

"Lyka kanina ka pa hinahanap ni ma'am.Naku sesermonan ka na naman nun.Bakit ba kasi lagi kang late?"sunod-sunod nyang tanong.

"Traffic kaya noh."maikli kong sagot.

"Eh...Lagi namang yan yung dahilan mo eh."sabi nya.

"Ah basta.Naanjan na ba si Ella,Diana?"tanong ko sa kanya.

Kanina ko pa rin kasi hinahanap yun eh.

"Wala.Hindi daw makakapasok ngayon may sakit kasi yung nanay nya kaya sya yung mag-aalaga sa dalawang kapatid nya."sagot naman nya.

"Tsk.Anu ba yan kanina pa ako paikot-ikot dito tapos hindi naman pala sya papasok!"inis na sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Hayysst kaimbyerna.Pawis na pawis tuloy ako ngayon.

"Tara na nga Lyka baka malate pa tayo lalo."hinila na ako ni Diana dahilan daw baka madamay pa sya sa sermon ko mamaya.

Nagpahila na lang ako sa kanya dahil nga hindi ko naman toh matatakasan kahit anong pilit ko.

Nang makarating kami sa school ground agad naman kaming nakita ng teacher namin na nagtuturo para sa Graduation March.

"Bakit late ka na naman Miss Lazaro?Ilang beses na kitang sinabihan na wag nang mag pa-palate,pero late ka pa rin hanggang ngayon!!!"sermon ng teacher na nagtuturo sa amin.

Tumingin naman ako kay Diana at ang gaga biglang nawala sa tabi ko.

Tsk,iniwan na naman ako ng babaitang yun.

"Ahh,sorry ma'am traffic po kasi kaya po ako nalate eh.Sorry po ulit ma'am."sabi ko habang nakayuko.

"Basta sa susunod wag na wag ka nang malelate baka Ito pa ang dahilan para hindi ka makagraduate."mahabang litanya ni ma'am.

"Oh sya,sige na pumunta ka na doon at magpaturo ka na lang sa iba pagakatapos ng water break."dugtong pa nito.

Tumango na lang ako bilang sagot at dumaretso na lang ako sa nag papractice.

Umupo muna ako sa isang bench at kinain yung burger na binili ko kanina sa may kanto malapit lang dito.

Hanggang sa naubos ko na yung kinakain ko at sakto kakatapos lang nila mag break.

Nakita ko naman palapit sa akin si Diana.

"Hoyy bruha bakit iniwan mo ako dun kanina,huh?"inis na tanong ko sa kanya.

Pero ang gaga nakangiting aso pa.

"Di ba nga sabi ko sayo,ayoko madamay sa misa ni Ma'am Jovy kanina."sabi na lang nya at tumawa.Napairap na lang ako sa sinabi nya.

Kahit kailan talaga ang babaeng toh ilag na ilag sa gulo.

Maya-maya lang nagsimula  na ulit ang practice.Makalipas ang ilang oras natapos din kami sa pag-papractice ng special number namin sa Graduation.

I Love You(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon