Ch. 40

8.9K 228 8
                                    

My Demon [Ch. 40]

"Pati ba naman dito pinaghihintay ako?! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana nagpa-reserve na ko ng ticket kahapon pa, o kaya naman nang-utos nalang ako na bumili. Damn it!"

Sabi ko nga, punong-puno ng patience sa katawan ang lalaking ito. Ang haba kasi ng pila sa bilihan ng ticket nitong amusement park na pinuntahan namin. Sa totoo lang wala pa kaming kalahating oras na nakatayo at nakapila, pero hayan siya at kanina pa reklamo ng reklamo. Sa inaasta niya parang ngayon lang siya nakakaranas na maghintay. Kita mo, di mapakali sa kinatatayuan.

Salubong na salubong ang kilay at parang kung may taong dumaan man na hindi niya magustuhan ang outfit eh bigla nalang niyang gugulpihin. Oo, ayun ang nakikita kong mangyayari kapag inabot pa kami ng ilang oras sa kakahintay. Ang bagal pa naman umandar ng pila.

"Maghintay ka nalang muna dun." Tinuro ko ang pinakamalapit na bench which is nakalilim sa narra tree at wala pang nakaupo kahit sino. "Ako na bahalang pumila. Tatawagin nalang kita kapag turn na natin," suggest ko sa kanya para hindi na nag-iinit ang ulo niya.

"Wag na," tanggi niya. "Mamaya kung ano na namang mangyari sa'yo." Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huli pero rinig na rinig ko.

Hindi nalang ako nagsalita. Siya inip na inip habang ako kinakabahan. Kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari kapag sumabog na ang bulkan.

"That fucker!" Pang-ilang mura na kaya niya yan ngayong araw? "Kaya naman pala ang tagal umandar ng pila, nakikipaglandian pa!" Sobrang sama ng tingin niya doon sa lalaking nagbebenta ng ticket na pangiti-ngiti sa mga babae at nakikipagbiruan.

Nung tumingin ako kay Demon, nasabi ko talaga sa isip ko na "Haluh, malapit nang sumabog ang bulkan!"

Parang wala akong naririnig at blurry ang paligid bukod kay Demon na halos pinapatay na sa tingin yung ticket boy. Tina-tap pa niya ng dahan-dahan ang kanang paa niya sa lupa na parang pinipigilan ang sariling wag sugurin yung lalaki. Si kuya naman kasi nakikipag-tsismisan pa, hindi nalang gawin ng mabilis ang trabaho niya. Nakapila pa naman ang taong natutulog nung nagpasabog ng "Patience" ang langit.

Nagbilang ako sa isip ko kasabay ng pag-tap ni Demon ng paa niya sa lupa. One, Two, Three...

Hindi na talaga kinaya ni Demon, umalis siya sa pila para sugurin si ticket boy. Nag-panic ako kaya napatakbo ako upang habulin siya at hinawakan siya sa kamay.

Napahinto naman siya at tumingin sa'kin. Medyo napaatras pa ko kasi nung tumingin siya sa'kin parang ako yung may dahilan ng init ng ulo niya.

"Easy ka lang," sabi ko. "Hindi lang naman ikaw ang naghihintay ng matagal eh. Sila nga rin, o!" Tinuro ko ang mga matiyagang nakapila sa likuran ng pwesto namin.

Tumango ang ilan, kadalasan mga babae.

"Balik ka na po dito, kuyang pogi," kinikilig na sabi ng babae na nasa likod namin nakapwesto. Naka-hanging blouse at white shorts. Malamang nung nakapila pa kami kanina, pinagnanasahan na niya si Demon from the back, same with others.

Pinanood ko silang magkakaibigan na maghampasan sa kilig. Seriously? Kinikilig sila? Bakit kay Demon pa? Naman eh.

Napa-pout nalang at tumingala kay Demon kasi kanina pa siya walang react. Nakatingin din siya sa'kin pababa sa kamay ko na nakahawak sakanya.

"Ay, sorry!" mabilis na paumanhin ko. Bibitawan ko na sana ang kamay niya kaso ni-lock niya ang fingers niya sa'kin at pinisil iyon ng mahina.

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon