NAGsimula na ngang magpakilala isa isa. So bale may 7 kaming transferees sama na dun yung tatlo kanina.
Na sa may bandang gitna kami nakaupo kaya di nagtagal ay kami na ang magsasalita."Good morning classmates saka Proff. as all you know, I am Sharina Hermoso. I'm friendly so don't be ashamed to approach me." - as usual eh hyper na pagpapakilala ni Sha sa kanila.
Saka naman ako tumayo dahil ako yung nasa tabi ni Sha."Good morning, I'm Glennevette Belleza", pagpapakilala ko naman saka umupo na.
"Yun lang yun??"
"Moreee"
"Alam namam naming ikaw si Glennevette Belleza eh, iba naman Nette"
Reklamo pa nang mga kaklase ko, nagkibit balikat lang ako sa kanila.
Natawa naman si Proff. sa kanila."Dagdagan mo daw Miss Belleza."
Naikot ko naman ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Kung si Sha, approachable anytime ako naman wag mong lalapitan kung di naman kinakailangan. Ayokong naiistorbo, okay na?", sabi ko sa kanila na nakangiti pa. Natawa naman sila sa sinabi ko. Kala naman ata ng mga ito eh nagbibiro ako.
"Amiel Ryon Trapanza, Amiel na lang." - eh ang kunti din naman nang sinabi ni Amiel pero wala silang sinabi tsk favoritism, napasimangot naman ako sa isiping yun.
"Good morning, ako nga pala si Felix Caranzo. Sana magkakilala pa tayong lahat"
Napalingon ako sa nagsalitang yun, siya bat ganun. Nakakaramdam ako ng kirot sa aking sentido pag nakikita ko siya. Magkakilala ba kami? Saka bat nakatingin siya sa akin kahit naka upo na siya. Iniwas ko ang paningin sa kanya at dun na lang sa katabi niya tumingin."Annyeonghaseyo, ako nga pala si Oh Miiko, and halata naman sigurong koreano tong gwapong to HAHAHA"
"Miiko, anong apelyido mo?",- Proff.
"Oh po proff"
"Anong opo? I'm asking you your surname.", nagugulohang tanong ni proff.
"Proff. Oh po ang ang apelyido niya. O-H po. Sinabihan ko na kasing magpalit na siya nang apelyido para di na siya mahirapang magexplain eh", sabat naman ni Felix sa kanila na hindi ko naman mapigilang titigan.
"Eh pano ko naman gagawin yun ha?", tanong ni Miiko sa kanya.
"Edi magpakasal ka HAHAHA", tumatawang sagot dito ni Felix.
"Ulok, ano ako babae!?", inis na sagot naman ng isa.
"Edi magpagkasal ka sa lalaki tapos ikaw yung wife^^,"
"Aba---"
"Ooppp! We are still here people.", saway naman ni proff sa kanila at nakasimangot naman na umupo si Miiko.
"I'm Guinevere Santos, Gwen for short" pagpapakilala naman ng isa pa nitong kasama na naiiling pa sa pinaggagawa nung dalawa.
"Okay, thats all. So you are 22 in your class. 10 boys and 12 girls. Hanggang dito lang muna ang meeting natin ngayon, introduce yourself lang. Magsstart lang ang discussion natin next meeting. May ipapasearch akong site sa inyo, dito niyo makikita ang course outline and ang mga topics na dapat niyong aralin in advance. Pagaralan niyo iyon para mas maging madali ang class natin." may mga isinulat pa si proff sa board saka nagpaalam na rin.
"Iba talaga pag first day, tingnan mo next week di kana makakahinga sa hihingiing requirements!" bulong ni Sha sa amin habang nag aayos siya ng gamit niya.

YOU ARE READING
Right N Wrong
Teen FictionThey say 'right is always right' and 'wrong is always wrong. Totoo naman, kailan nga ba naging tama ang mali at naging mali ang tama? There are decisions in our life that feels to complicated to make. What if doing the right thing will result in hu...