"Sofie!" Sinigaw ng Mommy ko habang tumatakbo ako papunta sa kuwarto ko. Sinarado ko agad yung pintuan at ni-lock. No way in hell. Nag-anulment na ang parents ko at sinabi lang sa akin nung nangyari na.Ugh. Kung nalaman ko na lang eh di sana, napigilan ko.
Bakit hindi ko napansin? After all those fights akala ko mahal nila ang isa't isa. Hindi naman pala.Nagsimula yung mga away nang biglang bumalik yung grandparents ko sa States. Sinabi nila kay Daddy na meroong iba si mommy. Tampuhan ang nauna tapos biglang parang naging World War III sa bahay namin. But end of the day, lagi naman sila nagbabati. Well, that's what I assumed.
Kasalan ni mommy 'to. Kung nakinig siya sa akin na tumigil na, hindi ito nangyari! Oo, totoong may kabit si mommy. Iyak na ako ng iyak. It's her fault!! And maybe, just maybe, it's mine...
May kumatok sa pinto. I bit my lip tapos pinunas ko yung mga luha ko. Tumayo ako at huminga ng malalim. Binuksan ko yung pintuan at nandoon si mommy. "Sofie..." Binulong ni mommy. Kinunot ko na lang noo ko. "What do you want??" Sinabi ko na pagalit. Alam ko, masama yun pero masisisi mo ba ako? Galit ako. I'm also part of this family, I should have a say. So, ano? Ako maghihirap habang sila they're free? Paano na ako?
"I know, Sofie...it's hard to take in but--" "But what? Ma, kung gusto maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan." Pinigilan ko na lang ang sarili ko na umiyak. Ayoko na. Tinignan na lang ako ni mommy ng malungkot. "Sofie, you need to come with me. I'm your mother." Sabi niya. Masnagalit pa ako.
"Don't you dare." I warned. "H-huh?" "Wala kang karapatan na tawagin akong Sofie. " Lumayo ako sa kaniya at if looks could kill, patay na sana siya. "But I'm your mom." "You stopped being my mother once you started cheating on dad."
Tumakbo ako papaalis sa bahay at pumunta sa hideout ko. Doon ako umiyak buong magdamag. Doon rin ako nag-promise sa sarili ko na hindi na ako iiyak.
This is where I started believing that forever never lasts. If it did, oh how beautiful life would be right now.
BINABASA MO ANG
Always
RomanceHindi ako naniniwala sa forever. Forever 21 nga may closing time, yung forever mo pa kaya? Pero, teka nga, paano ang always? Kaparehas ba nito ang forever??