My Demon [Ch. 44]
Seriously, hindi talaga ako nakatulog sa pag-iisip. Hindi talaga ma-digest ng utak ko ang nakita ko kagabi. Feeling ko nga panaginip lang yun e. Kaya kinaumagahan, matapos kong gawin ang daily routine ko sa bahay every morning, nagpunta ako sa apartment.
Nakakailang katok na ko pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naghihilik pa siguro yun.
Pinihit ko yung knob. Hindi naka-lock. Si Demon talaga!
Pumasok ako sa loob ng apartment. Alam ko masama ang ginawa ko pero wala naman akong gagawing masama. Isang malaking puzzle ang pag-rent niya dito sa apartment ang, at hindi ako matatahimik hangga't di ko nalalaman ang dahilan niya. And besides, siya naman si Demon e. Hindi yun magagalit─ este sanay na ko kung awayin man niya ako.
Hindi naman maliit itong apartment. Actually mas malawak pa nga ito kaysa sa bahay namin. Pero sa side ni Demon, sure ako na naliliitan siya dito. Sa laki ba naman ng bahay nila eh.
Fusia pink ang color ng buong apartment. Dalawang kikay naman kasi ang former na nagrerent dito noon kaya ganito ka-girly ang architecture ng apartment. Mai-imagine niyo ba na si Demon ang nakatira sa ganitong klaseng apartment?
Nagtungo ako sa kwarto. Naka-ajar ang pinto kaya medyo nakikita ko si Demon na mahimbing na natutulog sa kama. Tinulak ko ang pinto para makita ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko mapigilang matawa. Ang dami kasing bulaklak ang naka-paint sa wall tapos meron pa sa ceiling. Hindi na siguro naalis ng dating nagre-rent dito.
Kung hindi lang Cars yung comforter, bed sheet at maging ng unan niya, mapagkakamalan talaga siyang bakla.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siyang natutulog. Nakatagilid siya at nakayakap sa unan na Cars din ang design.
"Ang bait bait mo ngayon ah," sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
Akala mo kung sinong inosente kapag tulog. Hmp!
I watched him sleeping peacefully hanggang sa maalala ko ang tunay na pakay ko sa pagpunta dito.
"Demon, gising." Tinapik ko ang balikat niya.
No reaction. Ang himbing pa rin ng tulog niya. Tanghali na, buh!
"Demon, gising!" Nilakasan ko na ang boses ko at niyugyog ko na siya ng malakas.
Tinabig niya ang kamay ko at nagtalukbong ng comforter. Ayaw mo talagang magising, huh! Kung kanina isang kamay lang ang pinangyuyugyog ko sa kanya, ngayon dalawa na. Lalo ko pang nilakasan at binilisan.
Tinaboy niya uli ang kamay ko at bumangon.
"WHAT THE FUCK! ANO NA NAMAN BA─" Natigilan siya ng mapansin niya ko. Kumunot pa ang noo niya tapos kinusot-kusot ang mga mata niya as if naniniguro na ako nga talaga ang nakatayo sa gilid ng kama niya. "Ow, ikaw pala yan. Good morning!" he greeted. Biglang bago ng mood, eh?
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Подростковая литератураThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...