Ch. 45

7.8K 262 24
                                    

My Demon [Ch. 45]

 

"Alam mo ba?"

"Ay, demonyo!" Nagulat ako sa biglang sulpot ni Kuya Kyle. Panira ng pagsesenti!

"Nice. Iniisip niya kapatid ko," sabi niya. Umupo siya sa tabi ko.

"Kapag demonyo si Demon agad?"

"Si Demon─ I mean, si Keyr lang ba ang kapatid ko?"

Shoot. Oo nga naman. Hindi lang si Demon ang kapatid niya, nandyan din si Khaisler. Masyado kang napaghahalataan, Soyu!

By the way, kakatapos lang namin mag-dinner. Remember may deal kami ni Demon na siya naman ang manglilibre ngayon? Well, hindi natuloy kasi tumawag daw ang Mommy niya at sinabing dito sa bahay nila mag-dinner. 

Base din kay Demon, pinapasama din daw ako ng Mommy niya sa kanila at saluhan silang mag-dinner.

Kinausap ni Tito Romeo si Demon sa office niya. Sinabihan pa ako ng prinsipe niyo na wag akong uuwi at kailangan sabay kaming umuwi or else...

"Alam mo na ba?" tanong ulit ni Kuya Kyle.

"Yung alin?"

"Si Keyr."

"Kuya Kyle," tawag ko sa pangalan niya.

Tiningnan ko siya na nagsasabing, "ayaw sabihin ng diretso?"

Tumawa siya. "Didn't you notice how my brother Keyr softens everytime his gaze shifted on you?"

"Huh?"

"You have the power to sooth the hot-tempered him," he added.

Hindi ako nakasagot. Basta nakatingin lang ako sa kanya habang iniintindi ang bawat salitang binitawan niya.

"Balik na ko sa loob," aniya. "Good luck sa pagmumuni-muni mo diyan." At iniwan na niya akong mag-isa, nakatulala at nag-iisip.

Kinausap lang ba niya ako para lalong pabaliwin sa kakaisip? Waaah!

***

Pinagpiyestahan na ng mga lamok ang mga binti ko kaya naisipan kong bumalik sa loob. Sakto naman pababa na ng hagdan ang mag-ama. Nag-uusap pa sila habang bumababa. Mukhang good vibes silang dalawa ah. Ano kayang pinag-usapan nila?

"Bye, Soyu. Mag-iingat kayo pauwi," bilin ni Tita Juliet nang magpaalam na kami sa kanila. Hinatid nila kami hanggang sa gate.

"Opo, thank you po."

"Keyr," tawag ni Tito Romeo sa anak niya. "Yung pagmamaneho mo."

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon