hoping

24 1 0
                                    

Sana's PoV

"Ano ba naman yan sana, ilang linggo mo ng iniisip yan!, alam mo kung ako sayo kakalimutan ko na lang sya"

Napabuntong hininga na lng ako at sumubsob sa mesa

"Iba ka kasi sakin, magkaiba tayo Momo..wala ka kasi don sa crime scene"

"Crime scene?"

"Bakit?, crime scene naman talaga yun ah!"

"Wala namang nangyaring masama sayo"

"Yun na nga, kung wala si 'knight in shinning jacket' ko don, Edi sana may nangyari na nga sakin"

Napanguso namn si momo

"Osige panalo ka ngayon, pero please kalimutan mo na yang Knight knight na sinasabi mo, mas lalo kang mababaliw nyan eh"

Sinamaan ko naman sya ng tingin

"Kung ikaw, nakakatulog ka ng mahimbing tuwing gabi habang di mo pa napapasalamatan yung knight mo, pwes ibahin moko, utang ko sa kanya Ang buhay ko"

"Osige panalo ka"

Ngumiti namn ako dahil finally may makakasama na ako sa paghahanap sa knight ko

***

"HOY! SERYOSO KA BA DITO?! -,-'"

tinapunan ko namn ng bored look si momo
"Dzuh! Di sana tayo nandito kung di ako seryoso!"

"Pano kung bumalik na naman yung mga lalaking yun"

"Nahuli na sila ng pulis okay?"

"Pano kung hanapin ako sa bahay?!"

"Tanga sa boarding house tayo nakatira"

"Ay Oo nga noh!"

"Sige na, don tayo sa may puno mag abang"

Agad kaming naglakad papunta sa may puno at nagtago sa likod nito,
Habang pinagmamasdan ang kalsada kung saan ako muntikan ng mamatay

Madilim at sure akong dadaan na naman dito yung 'knight in shinning jacket' ko
KISJ na lng para deretso

"Ayun oh"

Sabi ni momo kaya agad napatingin doon sa dereksyon na tinuro nya,
May nakita akong anino ng babaeng nakagown,
Kaya agad napalunok

"T-teka.."

"Nako, jusko wag naman po sana.."

Nakatingin lng kami sa dereksyon ng babae

"Mga girls bilisan nyo Jan! Malalate na tayo sa party"

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi pala ito multo

"Akala ko naman kung Ano na"

"Osige Talasan mo pa ang mga mata mo"

"Teka! Pano mo malalaman na sya yun kung di mo naman pala nakita ang mukha nya nong gabing yun"

Napaisip din ako, Tama sya,
Pero pag nakita ko ulit sya I'm sure maaalala ko,
Ewan ko kung pano. Basta
Gagawin ko ang lahat makita lang sya!

Knight in shinning jacketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon