Chapter 28

379 25 0
                                    

Alyssa's pov

Tumulong na din ako sa pagbibigay ng mga pagkain.

"Alper, samahan mo 'ko papunta ng banyo, hindi ko alam kung saan banda." Sabi nung niligtas niyang babae na sa pag kakaalam ko Cheryl ang pangalan.

"Tara." Bakit gano'n nalang siya maka asta? Mag kapatid ba sila? Emposible. Pinuntahan ko naman sina Gav upang bigyan na din ng makakain.

"Ikaw pala Dok. " Bungad sa akin ni Gav.

"Kumain na kayo." Inabot ko naman sa kanya ang dalawang mainit na cup noodles. Nagpasalamat naman sila agad. Napansin ko naman si Trisha na mahimbing na natutulog.

"Gisingin mo muna siya, sigurado ako na nag aaway na ang mga bulate sa kanyang tiyan." Pabiro kung wika.

"Sige po Dok. Thanks for this. "

"It's my pleasure to help everyone. " Umalis na rin agad ako pagkatapos kung iabot ang noodles. Nakita ko naman sina Alper at Cheryl na nag-uusap. Nagulat ako ng halikan ito ni alper sa labi.

"A-alper can we talk?.....Alone?" Tinignan ko saglit si Cheryl, siguro gets niya naman ang ibig kung sabihin.

"Sige A-alper. Mauna na ako. " agad naman itong umalis at nagtungo sa ibang mga survivors.

"Who is She?"

"Bakit mo gustong malaman?" Malumanay nitong sagot.

"Becaus-- becaus-- kasi... look...hinalikan mo siya. Hindi mo naman siya kapatid. Imposible naman na m-mag j-jow--"

"Yes" Diretso nitong sagot.

"A-anong yes?"

"She's my girl and I am her boy friend. " Nagulat ako sa aking narinig. I can't believe na papatol siya sa isang Bata.

"Are you Insane?"

"I'm not insane... We love each other."

"Nasisiraan ka ba ng ulo? kakakilala mo palang siya ng ilang ora--"

"Actually, we met before. Siya yung babaeng na ikwento ko sa'yo before."

"Bakit hindi mo siya kasama no'ng dumating ka dito?"

"I have something to tell you Alyssa. " Nag-umpisa na itong mag kwento. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Ang ibig ba nitong sabihin... She is-------"

"She's immune." ano?

"Hindi siya na tatablan ng virus?....Alper, ito na...she's the key. "Masigla kung saad.

"W-what do you mean?"

"She is the key. Because of her makakagawa na tayo ng cure for this disease." Siguro naisip niya na rin ito.

"We need her blood, Alper. We need lot of her blood."

"N-no!"

"W-what do you mean?"

"Hindi ako papayag na masaktan siya."

"Dugo lang ang kailangan natin sa kanya, dugo lang at may chance naman na hindi siya mamamatay. "

"No! Meron pang ibang way. Ayokong gamitin siya at wala akong balak na---"

"Alam mo ba, alper. Because of her, if it is true na she's immune. Maraming buhay ang maliligtas. Possible na na matatapos na itong Outbreak na ito."

"I have to go." Umalis na ito.

"Pag isipan mo alper, buhay niya o buhay ng lahat ng mga tao dito." hindi niya ako sinagot at lumabas na ito ng pinto.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon