ONE

17 0 0
                                    

"And this is DJ Heart, thanks for tuning up Heart to Heart segway dito lang 'yan sa 102.8 Radio Natin FM. At para kay Jeremy na gustong ipagsigawan na mahal na mahal niya ang gf niya, here's your request. Thinking Out Loud by Ed Sheeran. Puso puso lungs! Oh ayan ha, puso na may lungs pa! Heartheart." Pinlay ko na 'yung song.

Sa wakas natapos na rin ang round ko. Makakauwi na ako. Nakakapagod.

"Well, congrats! A job well done for my favorite DJ." Si James aka DJ Vong, kasama ko na Dj dito sa Radio Natin. Ako sa Heart to Heart Segway tapos siya naman sa mga nagpaparequest ng song.

"Sus, lagi naman 'yan ang sinasabi mo sa akin. Hindi ka ba nagsasawa d'yan?" Napatawa ako sa kanya.

"Hindi naman ako magsasawang sabihin yun sa favorite DJ ko! Puso lungs!" Nag-form pa siya ng heart sa kamay niya. Natawa lang ako na napailing.

"Sige na, magready ka na. Eere ka na maya-maya."

"Sige. Kain ka na d'yan. May espasol d'yan at lasagna. Sarap. Gawa ko 'yan!"

"Sige. Salamat!"

Lumabas na ako ng airing room. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom. I checked my watch.. 10:45pm na pala.

Ang airing ko kasi sa radio is 8:00-10:30pm. Si James naman 11:00-1:30am. Tapos the rest puro tugtog na lang ng songs.

Nilantakan ko na 'yung lasagna at espasol. Masarap talaga magluto itong si James. Well, nakatapos siya ng HRM. Sayang at hindi na niya pinagpatuloy sa isang culinary school. Minahal na niya raw kasi ang pagd-DJ. Ako, Developmental Communication ang natapos ko. Para lang din siyang Mass Communication. Ang pinagkaiba lang, mas hand-on kami sa pagsusulat ng balita kaysa sa exposure sa media.

"Teka lang ha. Listeners, ang segment ko, taga-play ng requested songs niyo. Hindi ako nainform na may mga pa-advice kayong itetext sa akin! Wala akong alam dito! Si DJ Heart ang maraming alam sa usaping pampuso!" Natawa ako sa narinig ko kay James.

"Heto pa ha, sige. From XYZ. Ahuh. Alphabet lang 'to? Ang request niyang song, On Bended Knees by Boyz II Men. Okay! Medyo senti ah." Tumawa pa si James.

Napatigil ako saglit sa pagsubo ng lasagna. XYZ?

"Simple lang ang kasamang message ng request. Ang sabi.. 'I'm begging you, please... Please go back." Nako ha. Ano ito? Kuya, baka may kasalanan ka sa kanya, ha! Hindi naman mawawala ang isang tao sa'yo, kung pinapahalagahan mo."

Ngumiti lang ako nang tipid. Minsan, kahit pinapahalagahan mo, nawawala pa rin... Kasi 'yung taong mahalaga sa'yo, hindi pala mahalaga ang turing sa'yo. Na kaya kang iwanan para sa mas mahalaga sa kanya.

"Pero nevermind that. Joke lang kuya. Baka may iba pa lang reason kaya ganito so shut up na lang ako. Always remember that when words fail, music speaks. This is your song, XYZ. I hope na heto ang maging tulay para masabi mo ang nais mong sabihin..."

Napailing na lang ako. Ghad. Ano na namang bang naiisip ko? Masyado na naman ang nadadala.

Tinapos ko na ang kinakain ko. Sumilip ako sa airing room. Naka-ere na pala ulit si James. Sumenyas ako na aalis na ako. Kumaway lang siya at nag-flying kiss pa. Baliw talaga 'yun.

Paglabas ko ng radio station, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hassle naman oo! May bagyo kaya? Buti na lang may dala akong payong.

Naglakad ako papuntang waiting shed nang may nakita akong lalaki na nasa gilid nito. Basang-basa. Hindi man lang sumilong. Parang sira ulo.

Nilapitan ko, para payungan kahit basang-basa na siya.

"Kuya, bat 'di ka manlang sumilong? Ayan na nga yung waiting shed! Nagpakabasa ka pa d'yan!"

Nag-angat siya ng ulo. Basang-basa 'yung mukha niya pero alam kong umiiyak siya dahil sa pagtaas ng balikat niya.

"D-Drei?" Gulat ako sa nakita ko..

Tumingin lang siya sa akin.

"George..." Bumalik lahat-lahat. Ang tagal na rin bago ko narinig 'yung pangalan ko na 'yan.

"Bakit ka nandito? Ano bang pumasok sa kukote mo at nagpakabasa ka nang ganito?!"

"...wala na kami." At bigla siyang napayakap sa akin at nawalan ng malay.

5 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon