Nahirapan ako sa kanya. Nabasa pa ako sa pagkakasalo ko nang mawalan siya ng malay. Kung tinatanong niyo kung sino itong lalaking ito?
Siya lang naman ang... Classmate ko. Actually, siya ang nagsabing kaibigan niya ako. Wala akong kaibigan noon. Dahil may sariling mundo ako. Nanggulo lang siya.
Paano ko nga ba siya nakilala?
First day ng klase. Kinakabahan ako. Isa akong freshmen. New environment. Kailangan mo na namang mag-adjust nang bongga. Sabi kasi nila, iba raw ang college sa nakasanayan mo noong high school ka.
So, dumiretso na ako sa first class ko which is English100 pa. 7:00am Rm. 307 sa building namin. College of Arts and Sciences. Well, medyo marami-rami na ang tao kaya sa gawing likod na ako umupo.
Sakto biglang dumating 'yung prof namin. Well, newly graduate lang siya. Cute. Chubby.
"Hi, I'm your prof for Eng100. Ms. Andrea Malonzo. Nice meeting you, DevCom 1-1"
Pagkatapos niyang magpakilala biglang may pumasok na lalaki sa pintuan.
"Sorry ma'am, I'm late."
Napatingin ang lahat sa kanya. Napasinghap lahat ng babae. Yung iba, pigil na pigil ang tili.
"Sht.. Sino 'yan?"
"Kaklase natin? Ang gwapo!"
"THERE IS LOVE!"
Nagtawanan ang lahat sa sumigaw na yun. Napataas lang kilay ko. Gwapo? For me, sakto lang.
Maputi siya, medyo singkit, matangos ang ilong. Naka-faded jeans, vans na shoes at white t-shirt na pinapatungan ng maong na parang pa-jacket. May suot din siyang dogtag.