Madalas na ang pagiging excuse ni Brent sa klase nila dahil nga sa theatre play na kinabibilangan at namimiss na niya ito.
Binilhan pa niya ito ng mogu-mogu na lychee flavor kanina sa pag-aakalang dadaan muna ito sa classroom nila bago ito magpunta sa practice nito ngunit hindi nangyari.
Naging malungkot na din siya dahil sobrang tahimik ng mundo niya ngayon. Walang Brent na nanggugulo at nangungulit sa kanya.
Palagi na nga lang si Drick ang kinukulit niya at dinadaldal ngunit iba pa rin talaga 'pag si Brent ang kakulitan at kadaldalan niya.
"Mika!"
Napalingon siya kay Zyrina nang tawagin siya nito. Kapapasok lang niya sa loob ng classroom nila dahil katatapos lang niyang linisin ang area niya sa labas.
"Bakit?"
"Sayang, 'di mo naabutan si insan"
Malungkot na sabi nito at bumuntong hininga naman siya.
"Hayaan mo na, baka mamaya ay makikita ko siya"
Umupo na siya sa upuan niya at nagsimula na ang klase nila. Malungkot na napapatingin na lang siya sa ngayon ay bakanteng upuan ni Brent.
Hinihiling niya na sana naman, mamayang hapon ay umattend naman ito ng klase nila.
"Drick, nakakasabay mo pa ba tuwing lunch time si Brent?"
Tanong niya kay Drick habang nagsusulat sila. Tumabi muna siya ng upo dito tutal ay wala naman itong katabi at wala din kasi siyang ibang makulit.
"Oo, bakit?"
"Pwede bang pabigay sa kanya nang mogu-mogu na binili ko?"
"Sige"
Nakangiting sagot ni Drick at kahit papaano naman ay sumaya siya.
"Sa tingin mo, papasok kaya siya mamaya?"
"Ewan ko pero baka, kasi patapos na daw sila eh"
Mas lalo naman siyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito.
"Sige, sige!"
Nakipagkwentuhan na lang siya kay Drick nang iba pang mga bagay-bagay. Natutuwa naman siya dito dahil kahit na gaano kawalang kwenta ang mga kwento niya ay nakikinig pa rin ito sa kanya.
What a boyfriend material...
Dumating ang kinahapunan at pumasok nga si Brent sa klase nila. Sobrang saya niya ngunit hindi niya iyon gaanong ipinahalata lalo na dito.
"Mika, hindi mo ba ako namiss?"
Nakapout na tanong ni Brent at mahina naman siyang natawa.
"Bakit? Kaunting araw ka lang namang nawala ah?"
Kunwari pa siyang hindi ito namiss pero ang totoo ay gusto na niya itong sunggaban ng yakap ngayon dahil sa sobrang pagkamiss dito.
"Nakakapagtampo ka naman!"
"Joke lang! Syempre, namiss kita pero kaunti lang"
Sus, Mika! Kaunti lang? Talaga ba?
"Pwede na rin, patabi ako ha? Wala naman si Lilac eh"
Sabi nito at tumango naman siya. Lumipat na naman kasi si Lilac ng upo sa tabi ng kaibigan nito.
"Ngayon ka pa lang gagawa ng project mo sa P.E?"
"Oo, hindi kasi ako nakagawa agad dahil sunod-sunod ang practice namin"
Nalungkot naman siya para dito pero handa naman siyang tulungan ito para matapos agad sa ginagawag project.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Novela JuvenilOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"