(PART 2 of 4)
"Penelope!" Tawag ko sa kanya.
Parang gulat na gulat naman sya nang makita nya ako.
"Diba wala ka namang pasok ngayon?" Banggit ni Penelope.
"Oo nga. Gusto ko lang manood ng practice nila Jeffrey," nakangiti kong sagot.
"Naku Jessy, obsession na ang tawag dyan. Hindi na maganda yan," natatawa nyang sabi.
"Baliw ka talaga!"
Napatingin naman ako sa hawak ni Penelope na bulaklak at box ng chocolate.
"Sino naman ang nagbigay nyan?" Tanong ko.
"Uhm...isang manliligaw," sagot nya.
"Sino nga?"
"Ah...eh...wag mo nang tanungin. Di mo rin naman kilala."
Napatingin naman ako ng seryoso sa kanya pero hindi sya makatingin sa akin ng diretso.
"Tignan mo tong chocolate Jessy oh," sabi nya habang pinapakita sa akin ang chocolate na bigay sa kanya.
Nanlaki naman ang mata ko sa aking nakita.
"Wow! Delafee!" Tuwang tuwa kong sabi.
"Delafee? Ano yun?"
"Ano ka ba naman Penelope. Delafee is one of the most expensive chocolate in the world. Binigyan ka nito ng manliligaw mo? Sino sya? Ipakilala mo naman ako. Mayaman siguro yun."
"Ah...eh...sige. Ipapakilala kita next time."
"Asahan ko yan ha!" Banggit ko.
"Pero sayo na tong Delafee chocolate."
"Sigurado ka Penelope? Ayaw mo nito? Ang mahal kaya nito."
"Kahit na noh. Hindi ako pwede sa chocolate. Alam mo naman na kukunin akong calendar model next month eh."
"Okey. Edi ako nalang ang kakain," sabi ko na agad kinuha sa kanya ang chocolate.
Delafee kaya to. Bibihirang tao lang ang nakakatikim nito lalo na dito sa Pilipinas dahil nga sa sobrang mahal ng presyo. Ang swerte naman ni Penelope sa manliligaw nya.
Kaya lang ayaw naman nya ng chocolate. Hay naku! Kung ako ang bibigyan ng ganitong brand ng chocolate, di bale nang hindi ako kunin bilang calendar model noh. Mas masarap kaya kumain ng tsokolate.
I REALLY LOVE CHOCOLATES!
.
.
.
Kinabukasan, umaga palang ay pumunta na ako sa gym.
Syempre! Para manood ng training ni Jeffrey Castillo.
Wala pa nga akong almusal eh. Yung delafee chocolate nalang na bigay ni Penelope ang kakainin ko. Madali naman akong nabubusog sa chocolate eh.
Shutaness! Ang sarap! Iba talaga ang lasa ng chocolate pag mamahalin.
May ilan ilan ding estudyante na nanonood. Pumwesto ako sa bandang unahan ng audience area. Syempre para kitang kita ko si Jeffrey.
Nagpapractice sya ng shooting.
Shutaness again. Ang yummy ni Jeffrey Castillo. Kasing yummy nitong Delafee chocolate.
Penge panyo. Tutulo ata laway ko!
Maya maya lang ay napahinto si Jeffrey at halos di naman ako makahinga ng makita kong nakatingin sya sa akin.
Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nahihiya ako. Sinubukan kong ibalik ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tsokolate (Completed)
Novela JuvenilMaganda sya para sa akin. Ewan ko lang kung magagandahan din kayo. hehe