Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakasuksok sa gilid . Gusto kona nang bumalik sa dating ako yan lagi kong sinasabi sa sarili ko pero diko mabalik kasi kahit anong gawin ko diko na sya mababalik pa.Araw - araw ko binabalikan ang dating ako.
Kung dati umiiyak lang ako pag di ako sinasali sa laro nang mga kaibigan ko o kaya kukunin ni kuya iyung candy ko pero ngayon umiiyak na ako dahil sa problema ko, umiiyak na ako sa sakit .
Kung dati hanggang kapit bahay rinig ang pag iyak ko at lalakasan ko pa para lang marinig nila mama pero ngayon ako nalang nakakaalam na umiiyak ako , umiiyak ako nang palihim umiiyak ako na walang tunog para di nila marinig .
Kung dati simpleng bagay lang napapasaya na ako pero ngayon pilit nalang ang saya ko .
Kung dati ang problema ko lang kung pano tatakasan si mama sa tanghali para di ako matulog pero ngayon halo halo na ang problema ko .
Kung dati araw - araw ako nakangiti pero ngayon bilang nalang sa mga daliri ko ang ngiti ko kasi mas madami pa ang iyak at lungkot ko kaysa sa ngito ko .
Ganyan ako dati pero ngayon nag iba na ako tama nga ang sabi nila lahat nang tao nagbabago .
I MISS MY OLD SELF : <