LOA Part 19: Liga ng mga Anghel

1.4K 93 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Jan 5, 2020

Ang pinaka huling hakbang na ginawa ni Gun sa taong 2030 ay buksan ang portal at ipakita sa inyo ang dapat ninyong makita. Ang orihinal at totoong plano ay ipapakita lamang niya sa inyo ang kalagayan ng planetang Earth sa panahong iyon ngunit nawasak ang teknolohiya ni Gun Duran ng taong 2030 at dito ay pumalya ang kanyang plano. Bago bawian ng buhay si Gun Duran ay nag pakita pa siya sa akin dito. At nakita mo mismo ang aking malagim na kamatayan." ang paliwanag ni Gun at napaupo na lamang ito sa kanyang silya at natahimik..

Part 19: Liga ng mga Anghel

"Hala, may pa logo pa. Teka bakit naman liga ng mga Anghel? Eh hindi naman mukhang anghel si Super Panget noh." ang diretsong tanong ni Cookie dahilan para mapangiwi si Nai.

"Hindi natin palitan ng "Irano and the Chiwariwaps?" ang hirit ni Tibur

"Bakit hindi nalang Super Nardo and the Pretty Guardian of the Earth and Moon." ang hirit ni Cookie.

"Ano to Sailormoon? Tigilan mo nga akong bakla ka. Kahit anong gawin mo si Irano ang leader ng grupong ito. Period! Chakang to." ang hirit ni Tibur.

"Ang League of Angels o Liga ng mga Anghel ay opisyal at hindi na maaaring palitan. Simula pa noong ay nakatala na sa mga teksto ng propesiya ang tungkol sa mga Anghel. Ang ilan dito ay naka sulat sa tabletang luwad kung saan ang mga bayaning ito ay tinawag na "anghel" ng mga sinaunang tao. Ayon naman sa banal na kasulatan ang anghel ay nag mula sa kalangitan at sila ay bababa upang sugpuin ng kasamaan. Ito ay bagay lamang sa kanilang grupo lalo sila ay ang tagapag ligtas." wika ni Gun habang naka tingin sa logo na napakat sa ding ding.

"Bakit di tayo mag pa picture sa likod ng logo? Remembrance lang para mayroon akong maidisplay sa kwarto ko!" ang masayang wika ni Ace sabay hila kay Nai, dito tumayo sila sa harap ng logo at niyaya kami. Wala naman kaming nagawa kundi ang tumayo na rin at dito agad akong hinila ni Cookie sa gitna ng lahat. "Dito ka gitna Narding dahil ikaw ang leader!" ang wika nito.

Maya maya ay isinisik naman ni Tibur si Irano sa aking tabi. "Excuse me, si Irano ang leader! Dahil mas magaling si Irano sa kay Narding! Alam mo ba na si Irano ay may kakayahang sumisid sa pinaka ilalim ng dagat? At manatili doon ng matagal na panahon?" pag yayabang nito.

"Para sumisid lang, hello kaya rin ni Narding na sumisid. Pag naliligo sila sa bath tub ni papa Bart ay sumisisid siya sa ilalim ng mga hita nito! At si Narding ay may kakayahang lumunok ng bato! Kahit kometa pa ay kayang lunukin ng buo ni Narding! Kaya dapat siya ang leader!" Ang hirit ni Cookie.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon