LOA Part 20: Sagradong Sandata

1.5K 98 3
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Jan 5, 2019

"Kung haharapin kong mag isa si Enki, gagamitin ko ang pinag sama nating lakas. Gaano kalaki ang tiyansang manalo?" seryoso kong tanong

Sumeryoso rin ang mukha ni Rashida.

Tumingin siya sa akin ng tuwid at nag wika.

"Wala."

Part 20: Sagradong Sandata

"Ganoon siya kalakas?" pag tataka ko

"Oo, siya ang paboritong anak ni Xeno Alpha kaya asahan natin ang kanyang kalasakan." sagot ni Rashida.

"Bakit sinasabing nag kakaroon ng sariling isip ang mga sagradong sandata? At paano niyo sila nakamit o nilikha? Baka maaari rin tayong lumikha ng sa atin, kung nagawa nila bakit hindi natin kayang gawin?" ang tanong ko

Natawa si Rashida. "Noong nilikha kami ni Xeno Alpha, lahat kami ay pinag kalooban ng tig iisang medalyong nag liliwanag, ikinabit ito sa aming katawan. Dito namin hinubog ang aming mga kakayahan, talento at talino. Hinayaan kami ni ama na mag lakbay sa iba't ibang galaxy para umunlad, dito ay nag karoon kami ng pag kakataong lumago at maging malakas. Hanggang sa isang araw ay nadiskubre namin na ang nakatanim na medalyon sa amin mga katawan ay maaaring gawing sandata. Ito ang ginamit namin upang lumikha ng mga nilalang na mayroon lakas na pambihira.

Lumikha ako ng isang gintong anghel at ito ang aking sagradong lakas na hinubog ko gamit ang medalyon. Si Gamal na aking kapatid ay lumikha naman ng ibong itim na simbolo ng kanyang anino. Si Baal ay hinati ang kanyang lakas sa dalawa, isang sirena at isang higanteng halimaw ang kanyang nilikha. Si Cura ay nabaliw sa mga ahas kaya't dito na niya inilagay ang kanyang lakas.

Sa pag lipas ng panahon ay umunlad ang aming mga sagradong sandata, nag karoon na rin sila ng pag iisip na parang mga sanggol na hinubog namin hanggang sa lumaki at yumabong. Natakot ang ibang Diyos na mahigitan sila ng kanilang mga sandata kay itinago nila ito at inihiwalay sa kanilang katawan. Samantalang, ako, si Baal, si Cura at Gamal ay kusang humiwalay sa amin ang aming sagradong kapangyarihan noong kami ay pumanaw. Iyan ang dahilan kung bakit nakahimlay ang mga sandata iyon sa iba't ibang demensyon. At nais kong linawin sa iyo na ang mga Pyramid ay mga pintuan lamang, wala dito sa iyong planeta ang eksaktong lugar kung saan ito nakahimlay. Kaya kinakailangan niyo pa ring mag lakbay sa ibang mundo, sa ibang panahon at oras para makarating dito." ang paliwanag ni Rashida.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon