LOA Part 22: Sayaw ng Panganib

1.3K 100 14
                                    

(Team Rexus Juho)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Team Rexus Juho)

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

(AUTHOR'S NOTE: Nag kahiwa hiwalay sina Narding at ang iba pa. Para maipakita ko ang kaganapan sa bawat grupo ay gagamit ako ng POV. Ito lang ang tanging way para mai execute kong mabuti ang bawat battle scene. So sa isang group may isang character doon na lalagyan ko ng POV dahil wala naman si Narding senaryo kaya't siya ang gagamitin ko para maging malinaw ang lahat. Simula sa chapter 22 ay ibang POV na ng character ang aking gagamitin.)

Part 22: Sayaw ng Panganib

KAPITAN JUHO POV

"Hindi ko inaasahan kayong dalawa ang makakasama ko dito sa lugar na ito. Ngunit ikinararangal ko pa rin dahil batid kong kayong dalawa ay malakas na mandirigma." ang bati ko kina Cookie at Tibur. Si Nai ang dapat na kasama ko ngunit talagang nagulo ang lahat dahil sa pag kasira ng system.

Pinilit kong ngumiti bagamat alam ko magiging mahirap ang lahat. Matagal ko nang kilala si Cookie alam ko ang kanyang kakayahan dahil isa lamang syang ordinaryo tao, sadyang malakas lamang ang kanyang loob bilang kaibigan at pinsan ni Narding.

"Ganda lang talaga ang baon ko papa Juho, alam mo naman iyon diba? Saka bakit kasi sa dami ng makakasama ay itong si Tibur pa, pwede naman si Papa Jorel o si Papa Bart eh! Pwede namang puro gwapo ang makasama bakit ikaw pa?!" ang umiiyak na wika ni Cookie sabay akap sa aking braso. "Natatakot ako papa Juho. Kiss mo ko para mawala ang takot ko!"

"Teka pare, hindi tayo pwede mag dikit dahil baka mag cause ng reaction ang ating mga suit." ang sagot ko dahilan para matawa si Tibur. "Huwag ka daw dumikit sa kanya dahil mukha ka raw lalaking tambay doon sa kanto. Saka bakit kasi ikaw pa ang nakasama namin? Alam ko na, kung may sakaling iaalay para makuha ang sagradong sandata ay ikaw ang ibibigay namin." ang hirit nito.

"Teka bakit ako? Dahil ba ako lang ang babaihan? Mahina at parang leading lady ang datingan sa scene na ito?" tanong ni Cookie.

"Hindi, dahil PANGET ka, iyon lang ang dahilan." ang sagot ni Tibur sabay kuha sa kanyang buton at pinindot niya ito para maging mapa. "Ano ba yan bakit parang gabi naman yata dito. Ang dilim ha."

Hindi ko alam kung saang planeta o dimensyon kami napadpad pero madilim ang paligid. Parang walang araw at malamig dito. Bagamat nakikita namin ang isat isa at gayon rin ang paligid. Sadyang wala lamang direktang araw, sapat na siguro ang deskripyon na makulimlim sa buong lugar. "Paano naman mag kaka araw e napaka kapal ng ulap sa itaas, kasing kapal ng buhok sa binti at kili kili ni Tibur! Kasing itim na rin!" ang hirit ni Cookie sabay yakap sa akin. "Natatakot ako papa Juho."

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon