Chapter 1Amber
"Hi Ma'am, good evening," nakangiting bati ko sa isang guest na pumasok sa hall. Pero hindi manlang siya kumibo o tumingin manlang. Famous ba siya? Nalate na nga siya sa event eh hindi pa mamamansin.
Narito kami ngayon sa isang event. Sinabi ng boss namin na kami ang mag-c-cater sa kasal ng bestfriend niya kaya ito.
Ang restaurant kasi na pinagtatrabahuhan ko ay medyo sikat. Yung mga kasamahan ko, medyo sanay na sa pagcater, pero ako hindi pa kasi halos two months pa lang akong nagtatrabaho sa restaurant. At one time pa lang ako nakasama sa pagcater sa isang event.
Sinenyasan kami ni boss na maghanda na kami kasi matatapos na rin ang program. Pinuntahan niya kami at sinabihang tandaan daw namin ang mga bilin niya sa amin.
Nagsimula nang tumayo ang mga tao at dumiretso agad sa pwesto namin at ng mga pagkain.
"Amber, maglibot ka na at maglagay ng tubig sa mga baso ng guests." Bulong sa akin ni Talia, isa kong kasamahan.
"Sige,"
Habang naglalagay ako ng tubig sa baso ay narinig kong nagsalita ang isang babaeng guest na nasa tabi ko. "Miss, can you give me some.. Uh.. panna cotta? Thank you," sosyal niyang sabi.
Tumango ako, "Yes ma'am."
Pagtalikod ko eh napairap ako. Ang lakas niya manghingi ng dessert eh hindi niya nga ako pinansin kanina. Ang kapal naman ng make-up niya parang clown.
Dinala ko na sa kanya 'yung panna cotta. Nginitian ko siya nang super duper sweet bago tumalikod.
Natapos na rin ang event after ng isang oras. Buti lang at hindi ko na makikita ang pagmumukha ng famous na babae na iyon. Lalo na ang makapal niyang make-up at mahabang fake eyelashes.
Tiningnan ko ang relo ko at nalamang 8:00 na ng gabi. Kailangan makauwi na ako dahil may klase pa ako bukas.
Pinatawag kaming lahat ni Boss Adrian.
"Okay! Nice job, guys. Thank you sa inyo. Pwede na kayong umuwi since tapos naman na kayo. Ingat kayo sa pag-uwi." Nakangiting sabi ni boss.
Nagpaalam na kami ni Talia. Sabay kaming umuwi since iisang apartment lang naman ang tinutuluyan namin. Share kami sa mga babayaran sa apartment. At student-worker din siya gaya ko. Pero mas matagal na siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan namin.
Pumara kami ng tricycle at sinabi ang address ng apartment na tinutuluyan namin.
*
"Talia, uuwi ka ba sa Sabado?" tanong ko habang naghuhubad ng sapatos.
"Oo, namimiss ko na kasi sila mama." sagot niya. "Ikaw ba? Ayaw mong sumama? Baka namimiss ka rin nina mama." dagdag niya pa habang nakangiti.
Nginitian ko nalang si Talia.
Bukod kasi sa roommates at schoolmates kami ni Talia eh, childhood bestfriend ko rin siya. Sa kanila na rin ako tumira ng 3 years mula nang mamatay ang nag-aalaga sa akin na tiyahin ko. 14 years old pa lang ako noon. Laking pasalamat ko at kinupkop naman nila ako. Buti lang at napakabait ng mga magulang ni Talia na sina Tita Rose at Tito Toni at si Talia rin ang nagsabi sa akin na sumama sa kanya sa pagtatrabaho sa restaurant. Para may dagdag daw sa panggastos.
Napabuntong hininga ako dahil sumagi na naman sa isip ko kung nasaan ang mga magulang ko. Sabi kasi ng tiyahin ko, namatay daw si mama noong ipinanganak ako. Tapos iniwan daw ako ni papa sa kaniya. Pero malaki ang paniniwala kong buhay pa ang mama ko. Si papa, hindi ko alam kung saan.
Humiga na ako at ipinikit ang mga magaganda kong mata. Nakakapagod naman kasi ang araw na ito.
Si Talia ay sa CR pa at naghuhugas ng kanyang click clack barabim baraboom. Chos HAHAHA.
Di ko namalayan ay nakatulog na talaga ang aking buong beautiful face and sexy body dahil sa pagod.
*
Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. May isang batang babae at lalaki. Parang nakahandusay yung lalaki tas At... at... hindi ko na matandaan. Argh!
Napansin kong madilim pa. Tinignan ko ang relo at nalamang 4:00 pa lang ng umaga.
Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata para magising na ako ng tuluyan. Mukhang di na rin naman ako makakatulog ulit.
Natutulog pa rin si Talia. Mabuti pang maghanda na ako ng pagkain.
"Helu gudmurneng!" Bati sa akin ni Talia. Natawa tuloy ako sa tono niya.
Pinuntahan niya ako sa sofa. "Wow, te. Bakit ka nagre-review?"
Nginitian ko siya, "Wala lang. Trip ko lang, bakit ba? HAHAHA."
Tumayo siya at pumunta sa kusina. "Anong niluto mo?" tanong niya. Ang bango ha."
"You know, it's my signature sinangag and some scrambled egg." Englishera na ako ngayon don't me.
Tumawa siya. "Wow, ha. Anong nakain mo?"
Inirapan ko siya. "Syempre, wala pa. Gaga ba you? Ang aga pa kaya. It's still 5:00 in the morning," sagot ko.
Inirapan din niya ako. "Malay ko ba. Eh, ang takaw mo kaya. Duh!"
Nauna na akong maligo. Mabilis lang akong naligo, wala ng sabon-sabon. Char!
Paglabas ko ng CR, kumakain na si Talia. Aba, matakaw daw ako? Eh ngayon, sinong matakaw?
"Aba, matakaw daw ako." Sarcastic kong sabi.
"Eh, nagugutom na ako HAHA. Halika na rito babe." Sabi niya pa habang tumatawa.
"Tigilan mo nga yang kaharutan mo, Talia. Ireserve mo yan sa lalaking magugustuhan mo at haharutin mo doon sa school." Sabi ko at nginisian ko siya.
Pagkatapos namin kumain at ayusin ang mga gamit sa kwarto ay pumunta na kami ni Talia sa school. Naglakad lang kami tulad ng dati naming ginagawa.
*
Pagdating namin sa gate ay marami kaming naririnig na mga bulong-bulungan na may bago raw na estudyante na darating mamaya. Naku, kung sino man siya, malas siya dahil marami siyang namiss na mga klase dahil one month and a half na mula nung magsimula ang klase.
Natigilan naman ako nang magsalita si Talia, "Uy, Amber. Naririnig mo ba mga chismis nila? May bagong estudyante raw na dadating mamaya. Jusko. Paano naman kaya siya nakapasok ng ganoon lang kadali rito sa school?" Aniya.
Diretso lang kami sa paglalakad habang nag-uusap kami. "Baka malakas siya sa principal or baka mayaman yun."
Bakit nga ba namin pinag-uusapan 'tong lalaking ito? Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mag-iba na kami ng daan ni Talia.
"See you mamaya," sabi ko bago pumunta sa direksyon ng room ko.
YOU ARE READING
AMBER
Fantasy[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...