1

10 0 0
                                    

"Click here for pre-order" ano to? Advertisement? "This is Thanatos a new brand of mobile phone click here to avail and try our new product before we launch it." Ang astig naman. "We are selecting six lucky people to try out our new product for free, By entering your name to the space provided below you can be selected. So what are you waiting for try your luck and get our new product now."

Dali-dali kong tinype ang pangalan ko, diko palalampasin to no! Kung mayaman lang siguro ako diko na kailangan tong mga ganito sa internet, kaso basag-basag na tong phone ko e mabuti ng magtry kesa sa wala.

"Thank you for your time Ms. Alexa Baylon Estrada, we will send you a text message after a week for the result :) "

After a week, ano ba yan ang tagal naman! Pero yaan mo na san ka nga ba naman makakakuha ng libreng cellphone ngayon.

Riiinggg! Riiiinggg!

"Oh bakit na naman Leo?"

"May tatanong lang sana ako"

"Kung tungkol sa assignment natin hindi kita tutulungan, fourth year na tayo ang tamad tamad mo pa din!"

"Chill Lex that's not it"

"Oh e ano nga?"

"May lumabas din bang advertisement sa screen ng phone mo tapos may babaeng nagsalita?"

"Ah, oo"

"Huwag mong sabihing nagfillup ka?"

"Oo, bakit anong meron?" tanong ko na may halong kaba.

"Talaga? Sige magfifill up din ako malay mo parehas tayong manalo edi may couple phone na tayo HAHAHA"

"Ang corny mo gago! HAHAHA, dyan ka na nga!"

"Wait lang ale--" at pinatay ko na ang tawag niya.

Siraulo ka talaga Leo. Matagal ko nang sinabi sayong hanggang kaibigan lang tayo tsss. Siraulong yon sumali pa don edi kapag siya yung nabunot nawalan ng karapatan yung iba na wala namang pera para magkacellphone, yaman na yaman na makikiagaw pa hmm. Puro talaga kalokohan.

-
-
-

ThanatosWhere stories live. Discover now