"We are here Lex gising na"
"Huh?"
"Oo sabe ko"
"Gago HAHAHA"
Ang ganda naman ng building na ito, mula sa labas kitang-kita mo na agad kung gaano kayaman ang nagmamayari nito.
"Ayon sa mga nabalitaan at narinig ko sa family ko, japanese daw ang may ari ng Thanatos" si Leo habang tatango-tangong nagsasalita.
"Ahh"
"Tara na sa loob?"
"Ok"
Sumalubong sa amin ang isang babae na may dala-dalang mga papeles. Mukha nga siyang japanese. Napakaelegante niya ring tingnan sa kimonong suot niya.
"Welcome to Thanatos I'm Yumi Figure. I'm the secretary of the CEO of Thanatos and you two must be Mr. Leonardo Alcantara Legaspi and Ms. Alexa Baylon Estrada it's a pleasure to meet the two of the star of Thanatos"
"Star? What do you mean Ms. Yumi?" tanong ni Leo, ano ba sinasabi nitong singkit na to pati ako naguguluhan na din.
"Nothing Mr. Leonardo, just don't mind what I've said sir. Shall we proceed to the sixth floor of the building?"
"Yeah sure" sagot naman ni Leo
Sixth floor? Kung hindi ako nagkakamali ayon ang pinakamataas na floor ng building na ito at ang kasunod na non ay ang rooftop, ano bang gagawin namin don?
"May I ask a question Ms. Yumi, what is it again that we're going to do at the sixth floor?"
"We're going to meet the other players Ms. Alexa and most importantly on that floor you're gonna get the prize" sinabi niya ang mga salitang ito ng may ngiti sa kanyang mga labi. Teka anong ibig sabihin niya sa player?
Tiiiing!
"We're here, that will end my duty here, goodluck to all of our dearest player" at pumasok na ulit si Ms. Yumi suot-suot ang isang nakakatakot na ngiti sa loob ng elevator.
Ano yon? Para saan ang ngiting yon? Hindi matanggal ang mga ngiti niya sa isip ko at dahil doon kinikilabutan ako. Ramdam na ramdam ko na tumatayo ang mga balahibo ng katawan ko. Pilit kong binura ang mga imahe niya sa isip ko at pinagmasdan na lamang ang paligid ko.
Malawak ang floor na ito, bukod sa isang hall kung saan kaming anim na nanalo tinipon maraming pasikot-sikot pa rito sa floor na to. Maraming kwarto, may malaking kusina, naglalakihang glass window at ang kapansin-pansin ay ang mga picture na nakasabit sa ding-ding.
Kung hindi ako nagkakamali picture to ng mga nanalo ng prize dahil narito ang picture namin ni Leo. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit labing walo ang litratong nakasabit rito. Lalapitan ko na sana ang mga litratong iyon ng biglang nagbukas ang isang malaking screen sa hall kung saan may anim na upuan at isang mahabang lamesa sa harap niyon.
Wala pang ilang minuto ng bumukas ang telebisyong sa harap ng lamesa. May isang lalaking mukang japanese ang nagsalita sa screen. Ayon sa desk name plate, siya ang CEO ng Thanatos at ang pangalan niya ay Mr. Kiriwo Kurasaki.
-
-
-
Yumi Figure - Secretary of Mr. Kiriwo. L U S T
YOU ARE READING
Thanatos
Mystery / ThrillerLife is all about survival of the fittest, the weak got beaten, while the strong always get the power yet everyone will meet Thanatos in the end, but Thanatos is not a god nor a demon, Thanatos is a monster that fed upon the darkness.