Puro Nalang Si Best Friend

315 13 6
                                    

Hi! I’m Faye Marie Castro.

Okay, ganun ko lang ipakikilala ang sarili ko. Dahil alam kong si Best friend naman talaga ang main attraction dito.

Mas maganda.

Mas matalino.

Mas sikat.

Mas maraming friends.

Mas maraming suitors. (well, hindi naman ako naiingit dyan ha)

At mas maraming ewan ko na.

Haay. Okay, taob na taob talaga ako dyan kay Hyacinth, my best friend, pero okay  lang. Mabait talaga sya at talagang hindi mo maiiwan.

She’s my best friend since grade school. Nagkahiwalay nung high school but eto, nagtransfer sya sa school namin nung third year na. And from that day, halos ma-mega phone na ang name nya dahil bigla yung pagsikat nya.

“Faye, hindi ako makakasabay mamaya pag-uwi sayo ah, may practice kami sa badminton mea weh.” Sabi nya sa’kin. Yeps, buti pa sya. Naging varsity agad.

“Okay.” I answered.

Nung uwian na, dumiretso agad sya sa gym. Nagpaiwan na ko sa room habang naglinis-linis ng konti. Kaso, nabulabog naman ako nung mga taong hanap ng hanap sa kanya.

“Faye, ahm.. nandyan pa ba si Hyacinth?” tanong ni Gerald, as usual, one of her suitors.

“Nasa gym.”

“Ah, Faye! Buti nandyan ka pa. Si best mo?” -Jake

“Gym.”

“Faye! Nasan sya?” –Luigi

“Gym.”

“Faye…”-Cyd

“Nasa gym!”  Hay! Natataranta na ko!

“Ah, hindi. Pabigay naman oh, kung okay lang.” may inabot sakin si Cyd, love letter yata.

“Okay.”

“Hindi naman ba parang corny?” dagdag pa nya.

“Teka ha, 1 2 3 7 8… okay, pang 10 ka this day na nagbigay, oh okay ka na? Sige na alis na!”

“Ang sungit naman nito.” He whispered.

“Ikaw na kayang magbigay o, eto!”

Nagsmile lang sya sakin at umalis na din. Woah.. what a stressful day!

Well, bukas ko na ibibigay sa kanya yung mga letters na naipon ko. Hindi rin naman nya agad mababasa yun pag-uwi diba? Nako naman. Mas mabuti pa bang hindi nalang sya nagtransfer pero magkahiwalay kami o magkasama na eto, parang naisasantabi ako?

Hays, yaan mu nga.

Kinabukasan, nauna kong pumasok sa kanya. Malapit ako sa bintana nakaupo kaya nakikita ko yung mga dumadaan. Since wala naman akong makausap, nakatulala lang ako sa labas. Maya-maya, nagulat ako ng nakita kong huminto si Zian, my ultimate crush since first year, na huminto sa may bintana at may sinilip-silip.

Gosh!! Ang gandang pambungad ng araw na to ah!

“Ah, excuse, Faye?”

Nag-nod lang ako ng head dahil parang nakakakabang sagutin yung tanong nya. Alam nyo ba yung ganun? Parang may “spark” eh.

“Nandyan na ba si Hyacinth?”

“H-ha?”

Bigla akong nabalik sa katotohanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puro Nalang Si Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon