This is another busy day for me.
Just received an email about my application sa SMC which says I need to show up for the application process. I am eyeing a position in their finance department so ipupush ko na to.
I sent the application to them months ago right after I passed the board exam but ngayon lang nila ako kinontak. Ewan ko ba dito sa Pilipinas. Gusto nila i hire yung may experience na. E papano ka nga magkakaexperience kung ayaw ka naman tanggapin? Right? Isa pa, mas may chance kang matanggap sa mgamalalaking korporasyon kung may kapit ka. It's such a waste para sa mga brainy na di nabibigyan ng chance to show off their skills and talents.
Anyways, singhaba na ng litanya ko tong pila sa mrt. Wala ng pinagbago.
Alas nwebe na. Pero prang di nauubusan ng sumasakay sa mrt. Hays. I just wish pwede ako gumitgit sa mga kumpol ng mga taong yan.
After about 30 mins, narating ko na din ang office nila sa Ortigas.
Maaga pa nman kaya kumaen muna ako.
While eating, nag ring ang phone ko.
Del Valle
Calling . . .Aba. Nakaalala ang loko.
"Yes?"
sagot ko.
"Asan ka?"
tanong nito.
Wow ha. Tatay lang ang peg.
"Somewhere under the sun."
pilosopong sagot ko.
"Ano problema mo at ang aga aga mong gumagala?"
napakunot ang noo ko.
Gala? Di ako gumagala.
Tsaka pano nya nlaman na nsa labas ako?
"Ang tamlay mo naman kumaen ng spaghetti mo."
now it's clear. Nasa paligid lang sya.
"Nasan ka ba? Akala ko nasa Baguio ka?"
Tanong ko. I sipped my chocolate drink and continued eating my food. Hinayaan ko lang syang magsalita. Naka headset nman ako.
"Dumaan na ako sa harap mo kanina. Tumawag lang ako para siguraduhing ikaw nga yan."
Dumaan? Wala naman ako natatandaang dumaan sa harap ko. Niloloko ata ako nito.
"You should have approached me instead."
"Che. Kumaen ka na nga muna."
At nawala na sya sa kabilang linya.
Sungit pa din hanggang ngayon.
Kaloka. Well, sanay na ako. Hehe
Sa training pa lang ganun na talaga sya. Kaklase ko siya sa ROTC nung college. We both applied as cadet officers.
Mejo matagal na rin kaming hindi nagkita. 2 years I think? Huling balita ko sa kanya ay nung bago sya pumasok sa PMA.
Hihirit pa sana ako ng isa pang spaghetti kaso malapit na ang oras ko. Bakit ba kasi ang sarap ng Jolly Spaghetti? Hays.
*riiiing riiing . .
Natawag na naman tong loko na to.
"Ano?!"
Kunwari masungit. Haha Di pwedeng sya lang ung nagtataray no.
"San lakad? Bat bihis na bihis ka? Mukha kang babae ngayon a."