Habang ako'y nagsasoundtrip
Bigla akong napaisip
Ilang buwan na lang pala
At tayo'y magkakahiwa-hiwalay na
Mga masasayang alaala
Noong tayo'y magkakasama
Di mawawala sa dibdib
At di mabubura sa isip
Mga di pagkakaunawaan
Na agad namang nasusulusyonan
Sobrang pageensayo
Para tayo'y makakamit ng panalo
Mga kulitan, awayan,
Bangayan at SINGILAN
May mga kalungkutan man,
Agad itong napapalitan ng kasiyahan
Kahit saglit lang tayo nagkasama
Parang matagal na tayong magkakakilala
Mabilis napalapit sa isa't isa
At pag tayo'y pinagsama sama
Umaapaw na saya ang dala ng bawat isa.
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Saya
Teen FictionMga moments bago magtapos ng highschool.. Mga pinag awayan, pinagkasunduan, at mga pinagkaisahang mapagtagumpayan pag may mga patipalak na magaganap sa eskwelahan .. Sana'y inyong magustuhan :)