Chapter 2

0 0 0
                                    

Alas-sais palang ng umaga ay ginising na ako ni Mama. Maaga raw kaming aalis patungo sa aking bagong eskwelahan. Kaya maaga nya kaming ginising lahat para makapaghanda kami bago umalis.

Hindi makakasama si Papa sa paghahatid sa akin dahil may meeting raw siyang dapat puntahan.

"Amber behave and enjoy your stay sa new school mo ha?" Sambit nito sakin noong pasakay na ako ng kotse. Si kuya Zian ang driver namin.

Hinalikan nya ako sa noo at saka hinayaang makapasok sa kotse. Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyan na kaming umalis.

Mukhang malayo sa syudad ang Clinton Academy. Hindi ako nagtanong kina kung saang lugar naroon ang Clinton Academy. Pinanood ko na lamang ang aming mga nadadaan. Habang nakikinig ng musika mula sa radio ng aming kotse.

Maya maya pa ay may nakita akong malaking arko na may nakasulat na Clinton Academy.

Nagpatuloy si kuya sa pagdadrive hanggang sa makarating kami sa isang parking lot. At may mataas na gate at bakod sa harapan namin.

"We're here" sambit ni Kuya Zian

Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang iba kong gamit. Inihatid nila ako hanggang sa entrance, ngunit hindi na sila pumasok dahil bawal raw pumasok ang hindi pumapasok sa school na ito.

"Amber ingat ka rito ha?" Sambit ni Mama. Ganoon din si kuya. Niyakap ako ng mga ito saka ako tuluyang pumasok.

Sinalubong ako ng malawak na hardin na may iba't ibang nakatanim na bulaklak. May nakita naman akong babaeng naglalakad palapit sa akin.

"You are Ms. Fraion, right?" Sambit nito sa akin.

"Yes po" maputi ito, matangkad, maganda ang pangangatawan at ang ganda ng kanyang postura.

"I'm Mrs. Alegre" iniabot nya sa akin ang kanyang kamay na mukhang gustong makipag kamay. Tinanggap ko ito binigyan sya ng isang ngiti. "I'm the Principal of Clinton Academy"

"It's a pleasure to meet you Ma'am" sambit ko sa kanya.

Inaya nya akong magtungo sa kanyang opisina upang masabi nya sa akin lahat ng mga dapat kong malaman about sa Academy.

Nang matapos nya lahat ng dapat sabihin ay binigay nya na sa akin ang susi ng kwarto ko. Pati narin ang schedule ko at ang uniform ko.

Binigyan nya ako ng direksyon kung saan ang dorm ko. At madali ko naman itong nakita dahil halos nasa harap lang ito ng garden. Magkatabi lang ang dorm ng girls at boys. Sa left part yung sa girls kaya doon ako nagtungo.

Pagdating ko palang sa lobby ng dorm ay nakita ko na maraming nakatambay rito. Siguro ay dahil Linggo ngayon at walang pasok.

Nasa loob na ako ng elevator at akma na itong magsasara ng biglang may pumigil dito.

Isa itong lalaki matangkad, maputi, magulo ang buhok, medyo brown yung mata nya at mukha syang gangster. The quick definition of him was he's rogue.

Tahimik lang kaming dalawa dito sa loob ng elevator nang bigla syang magsalita.

"New student?" Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung statement ba iyun o tanong.

"Hey! I'm talking to you. Are you a new student?" Pag-uulit nito.

"Yes , I am a new student." Hindi na ulit sya nagsalita. Ngunit bago sya bumaba sa third floor ay nagsalita na naman sya.

"Gem" hindi ko alam kung pangalan nya ba iyon o ano.

Nakarating na ako sa 10th floor kaya naman agad din akong bumaba. Hinanap ko naman kaagad ang room 1010.

Kinuha ko naman kaagad ang susi ng kwarto at binuksan kaagad ito. Pagbukas ko ay mukhang wala akong roommate.

Dalawa yung kama, cabinet, study table at may lamp. Malaki yung kwarto kaya hindi mahirap gumalaw. Meron ding divider sa tagiliran para magkaroon ng privacy.

Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay lumabas ako ng kwarto, dahil nagugutom na ako.

Kanina ko pang hinahanap ang canteen pero hindi ko talaga makita.

"May hinahanap ka?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong may nagsalita sa likuran ko.

"Shit!"

"Sorry, nagulat kita. Kanina pa kitang pinagmamasdan at kanina ka pang mukhang may hinahanap. Ano ba yung hinahanap mo?" Tanong nito sakin

"Yung cafeteria , nagugutom na kasi ako. Hindi pa ako naglalunch at malapit na din halos mag dinner."

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako.

"Tara dalahin na kita sa cafeteria, at pagkatapos mong kumain itu-tour kita sa buong academy"

"Thanks, ako nga pala si Zephyr Amber Fraion, ikaw ba?"

"Nagpakilala na ako sayo kanina sa elevator ah. I'm Hunter Gem Silvestre"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon