Chapter 2

35 1 0
                                    

Tok tok tok

"Cheska!! Bumangon ka na nga jan"

Hmmmm...

Ano ba naman yan si ate maka kalabog lang ng pinto wagas

Tok tok tok

"Hoy cheska ano ba" sigaw ng ate ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko

"Opo anjan na" sagot ko

Bumangon na ako bago pa magiba ng ate ko ang pinto

Binuksan ko ang pinto at ngumiti ng wagas sa ate ko "Good morning ate karen! Namiss mo ba ako?" Sabi ko kay ate habang nag bi-beautiful eyes sakanya

"Walang good sa morning! At hindi kita namiss kaya tigil tigilan mo ako sa pag papacute mo ha! dumaan ka mamaya alas kwatro sa school ni jenny kunin mo ung report card nya at hindi ko makukuha un" sabay talikod ng ate ko

"Un lang po ba ate?" Tanong ko kay ate

"Oo un lang"

"Ano ba yan di na lang tinext sakin ginising pa ako ganda ganda ng panaginip ko eh" pabulong kong sabi habang kumakmot sa ulo ko

Biglang humarap ang ate ko ba ikinagulat ko " may sinasabi ka ba cheska?" Nakataas na kilay na sabi ng ate ko

"Wala po" iiling iling kong sabi " Sabi ko po excited na ako makita grades ni jenny at ittxt kita agad agad ate promise!" Sabay taas ng kanang kamay ko.

"Ok akala ko may sinasabi kang iba eh. sige na aalis na kami wag mo kalimutan bilin ko ah masasabunutan kitang babae ka pag kinalimutan mo "

"Opo sige ate. sleeping galore mun ako ah hihihi bye bye ingat muah muah tsup tsup" akmang hahalikan ko sa pisngi si ate ng bigla sya umiwas

"Sige na matulog ka na ulit. tigil tigilan mo ako sa mga paganyan anyan mo kung pde lang. " sabay talikod ni ate at bumaba na ng hagdan

Napanguso na lang ako palagi na lang ganun si ate , sa tuwing maglalambing ako palagibgbganun ang eksena nya saakin

Nagkibit balikat na lng ako at bumalik sa kama ko wala nman na ako magagawa kay ate eh ganun na talaga sya

Nang maka pananghali bumangon na ako para mag ayos ng aking sarili. Maghahanda na kasi ako pumasok sa school.

Bago ako pumasok sa school dinadaanan ko munaaking best friend na si Christine. Sabay na kasi kami pumapasok at nagtricycle kami para mura ang pamasahe hehehe

NAglakad na lang ako papunta kina Christine

nang mkapunta na ako nakita ko si Tita Lenny, tita sya ni Christine kapatid ng tatay nya si tita Lenny. sila ang nag aalaga kay Christine Dahil may ibang pamilya ang kanyang ama.

"Hi, tita" bati ko kay tita Lenny

"oh cheska anjan ka na pala" nginitian ako ni tita

"si Tin po?" tanong ko

"andun sa taas naliligo, nako puntahan mo na at alam mo naman mabagal kumilos un pag walang nagpapamadali busy pa kasi ako dito dahil madaming tao"

"sige po tita, panhik na po ako sa taas"

pag panhik ko sa taas wala sa kwarto si Tin. malamng un nasa Cr pa at naliligo. kaya pumunta ako ng banyo para tignan kung andun sya.

"Tin! anjan kba?" kumatok ako

"Oo cess dito ako, saglit lang ah." sabi ni tin

"Ok sige ano ba ginagawa mo jan?" Tanong ko

"Nagluluto cess! Sa tingin mo ano ha?"

"Wow talaga! Papasok naman! Ano ba nililuto mo?" Tanong ko

"Gaga! Naliligo ako malamang banyo ito pano ako makakapagluto ha?" Iritang sagot ni tin

Tumawa ako "hahaha pasaway! Malay ko ba na nilipat na pala jan ung kalan nyo hehe joke lang hehe"

"Naku dun ka nga muna sa kwarto ko Cheska Lorraine at baka mabuhusan kita ng tubig!" Pagtataboy sakin ni tin

"Hahaha oo na! Masyado kang high blood inaasar ka lang ih hehehe" at dumiretso na ako sa kwarto nya.

Pagkapasok ko ng kwarto nya kita agad dun ang mga pictures na nkasabit sa mga dingding artistic kasi yan si Christine kya sa wall nila nkalagay ang mga picture, may mga picture namin at picture din ng pamilya nya.

Napadako ang tingin ko dun sa picture ng bata pa si Christine kasama nya sa picture ang mama at papa nya. naalala ko ung mga kwento nya saakin. ung mga naranasan nya noong bata pa sya. tulad ko ulilang lubos na din yan si Christine, produkto ng isang masayang pamilya si tin hanggang sa namatay ang tatay nya habang nasa trabaho. engineer kasi ang tatay nya at ng minsan bumisita sa site ng ginagwang building ay nabagsakan ng bakal ang tatay nya maliit pa lang sya noon 6 years old pa lang sya. ang nanay naman nya ay doctor sa sobrang lungkot ng pagkawala ng kanyang ama pagkatapos ng isang taon ay sumunod na ang kanyang ina dahil sa matinding depresyon.

Simula noon sa murang edad naging ulila na sya at kinupkop sya ng kanyang tiyahin na si tita Lenny na kapatid ng kanyang ina. walang anak si tita lenny kaya anak na ang turing nya kay Christine. kaya kahit wala na ang magulang niya may nagpunan pa din ng pagmamahal at pag aalaga sakanya.

"Oh tinititigan mo nanaman ang nga magagandang pictures ko cheska" puna sakin ni tin

"Wala naalala ko lang ang mami at daddy sa family picture mo"

"Naku cheska, wag kana malungkot malamang mag best friend na din ang mga parents natin doon sa heaven. At masaya na sila doon maging masaya na lang tayo pata sakanila ok? Wag ka nang malungkot papanget ka nyan sayang ang beauty mo sige mas gaganda na ako sayo nyan" pag aalo sakin ni Christine

"Nako magbihis ka na nga lang at bilisan mo. baka malate nanaman tayo." sabi ko kay tin

Nginitian ko siya para masabi ko na ok na ako. Ganto naman ako palagi pero nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si tin kasi palagi nya pinapagaan ang pakiramdam ko. Tuwing magdradrama mode ako.

Simula 1st year high school magkaibgan na kami sya ang kauna unahang kaibigan ko sa school. ka seatmate ko sya dati una naiirita sya sakin dahil madaldal daw ako at makulit pero di nagtagal nagkasundo din kami. simula noon naging mag best friend na kami.

"Matagal ka pa ba jan?" Tanong ko kay Christine

"Eto na tapos na" at lumabas na sya ng kabilang kwarto kung saan sya nagbihis

"Tara na sa school dun kana lang magpaganda dahil late na tayo ten mins na lang oh time na"aya ko sakanya hinila ko na ang kamay nya para hindi na sya maka porma pa

"Oo na eto na magpupulbos lang eh." tatawatawang sabi nya

A Good LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon