Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ni Sienna ang nangyari sa kanila ni Mikhail nung gabi. Hanggang ngayon kasi binabagabag parin siya ng naging reaksyon ng binata sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit pero may parte sa loob niya na dapat magsorry siya dito pero may parte din na tama lang ang ginawa niya. Kaya naman nalilito siya kung ano ba talaga ang susundin niya. Hihingi siya ng tawad o hahayaan na lamang niya ito.
"Pwede bang umupo ka Sie? Kanina pa ako nahihilo sayo eh. Kanina ka pa paikot ikot diyan at hindi ka mapakali. Bakit? May nangyari ba?" Tanong sa kanya ni Niks na nagpahinto sa kanya.
"Paano kung meron?" Saad niya dito na nagpabago ng ekpresyon ng kaibigan.
Napakagat na lamang siya ng labi at hindi mapakaling umupo sa upuan. Napansin niyang naging seryoso ang kaibigan at nagcross arm ito.
"Tell me, what happened?" Seryosong saad nito na nagpatigil sa pagiging mapakali niya.
"Amh.....ahh..." hindi niya masabi sabi dahil baka mabisto siya ng kaibigan na may nangyari na sa kanilang dalawa ni Mikhail. Baka masambunutan siya nito ng wala sa oras.
"Dahil ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan?" Unang saad nito na nagpatanga sa kanya.
Pumasok bigla sa isip ni Sienna na baka alam na ng kaibigan niya ang lahat sa kanila ni Mikhail. Dahil alam niyang hindi niya ito mapagtataguan ng lihim.
"I see. Hindi lang ikaw ang nababahala Sie. Maging ako rin dahil alam nating dalawa ang kaya niyang gawin. Mag-iingat ka Sie. Alam kong ikaw ang puntirya niya" seryosong saad ng kaibigan sabay tayo at naglakad patungo sa kanya.
"Take care Sie. Don't let your guard down. Don't let Mikhail know this, baka ipawalang bisa niya ang kasunduan niyo at kamuhian ka. Ayoko mangyari yun sayo Sie" saad nito sabay tinapik siya sa braso at nagpaalam na aalis ito.
Si Sienna naman ay naiwang tulala dahil hindi naman iyon ang iniisip niya bagkus ay ang sa kanila ni Mikhail. Hindi na nga niya naisip ang bagay na iyon ngunit mukhang hindi siya naintindihan ng kaibigan. Sabagay paano siya maiintindihan nito kung hindi naman niya sinabi o naikwento man lang. Ngayon tuloy ay napadagdag na naman ulit ito sa iisipin niya. Bakit nga ba nawala sa isip niya iyon eh kita niyang importante ang ganoong isipin.
Napabuntong hininga na lamang siya at napasandal sa upuan. Inilapat niya ang kanyang likod at dinama ang lambot nito.
"Baby Sie, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh" saad ni Cassidy sa kanya.
Napaayos naman siya ng upo at tinuwid ang nagusot na damit. Pinanood naman niya ang manager kung paano ito umupo at tumingin sa kanya.
"Baby Sie, magkalinawan nga tayo" seryosong saad ng kanyang manager.
Napalunok naman siya ng laway dahil dito. Ito na naman, dadagdag pa ito sa aalalahanin niya. Kailan ba mawawala ang mga ganitong bagay sa buhay niya.
"A-ah ano yun miss cass?" Saad niya dito ng hindi pinapahalata ang kaba niya ngunit mukhang bigo siya dahil nautal siya ng hindi niya inaasahan.
"About last night" saad na naman nito na nagpakabog ng dibdib niya sa sobrang seryoso nito.
"Ah.......ano pong last night?" Sinamaan naman siya agad ng tingin nito ng magsalita siya.
"Don't fool me, baby Sie. Why are you with Mr. Miller? Are you one of his girls?" Seryosong saad nito sa kanya.
Hindi naman niya agad masabi ang sagot dahil lihim lang ito sa pagitan nila ni Mikhail. Hindi pala, lihim sa pagitan nilang tatlo ni Niks. Hindi tuloy alam ni Sienna kung saan niya kukunin ang sagot. Siguro ay kailangan niya magsinungaling dito kahit ngayon lang.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomantizmWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...