PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
AiTenshi
Jan 10, 2019
Humigpit ang hawak ko sa kanyang espada na naka tarak sa aking balikat hanggang mag dugo ang aking kamay..
"Hindi ako uuwi sa aming planeta na hindi ko dala ang iyong ulo." ang seryoso kong salita sabay piga sa talim ng espada..
Nabasag ito na parang salamin sa aking mga kamay..
Part 26: Kawal
KAPITAN JUHO POV
"My Gewd! Sinira mo nga yung mga titing kanyon ko, pati ba naman itong espada ko ay winasak mo rin! How dare you!" ang galit na tanong ni Ugigi sabay sampal sa akin. "Yung espada na iyon ay gamit pa ng ex boyfriend ko na pinatay ko dahil nadiskubre ko na mas bakla pa siya sa akin! Kaya minsan mahirap rin mag jowa ng ka uri dahil mas malandi pa ito kaysa sa iyo. Nung nakita kong isinuot niya ang bago kong bra ay hindi na ako nag tubiling pugutan siya ng ulo. Iyon ang dapat sa mga bortang gelatin na katulad niya. Ang sakit sakit talaga dahil lagi nalang akong broken hearted pag dating sa relasyon. Pero ikaw kapitan Juho, lalaking lalaki. Masarap at nakaka akit. Kaya nga kahit masakit sa akin na si Narding na ex pilantod ang gusto mo ay nais pa rin kita buhayin. Ippreserve natin ang kagwapuhan mo at aanakan mo ako ng madami." ang dagdag pa niya
Habang nasa ganoong posisyon ito ay may tumamang bato sa kanyang mukha. "Hoy bakla, huwag mo isasayad ang kamay mo sa kanya!" ang sigaw ni Cookie.
"Gaga, naka sayad na o. Heto nanaman ang mga kaibigan mong baliw. Gusto mo ba patayin ko na sila para matapos na ang pag hihirap nila sa buhay?"
"Kapag pangit pasakit? Kapag maganda nakaakit ganon? Walang hiya ka sumusobra kana!" ang sigaw ni Tibur sabay taas sa kanyang kamay at dito ay ipinakita niya ang isang kwintas.
"Ano naman iyan bakla? Ano naman akala mo? Hindi naman aswang ang kalaban para mag asta kang si Manilyn Reynes na may hawak na kwintas panlaban sa maligno." ang puna ni Cookie.
"Tumabi ka nga diyan Cookie monster! Kanya kanyang moment ito kaya mamatay ka sa inggit. Akala niyo ba kayo lang ang may costume? Akala niyo ba kayo lang ang nag handa? Tatapusin na kita ngayon baklang higad." ang sigaw ni Tibur.
"Alam mo hindi ko alam kung saan ako ma aafraid, sa hawak mo ba o sa mukha mo." ang sagot ni Ugigi
"Pareho! Ngayon tikman mo ang ganti ng baklang Api!!!!" ang wika niya sabay suot ng kwintas sa kanyang leeg. Tumalikod ito at kumembot kembot pa, itinaas ang kamay at nag liwanag ang buong katawan.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasíaAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...